Gabriela Youth - Pasig

Gabriela Youth - Pasig Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gabriela Youth - Pasig, Youth Organization, Pasig.

Ang Gabriela Youth - Pasig ay pangmasang organisasyon ng mga kabataang kababaihan sa komunidad, paaralan, at mga unibersidad na nilalayong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.

01/08/2026

Panoorin: Pagsisiwalat ni Jolina ng Gabriela Youth Pasig tungkol sa mga kinaharap na problema ng mga mamayang Pasigueรฑo sa SONA NG BAYAN noong July 27. Ito ay panapal sa huwad na State of the Nation's Address ni Bongbong Marcos, na puno ng mga salita na hindi ugnay sa tunay na kalagayan ng mga mamamayang Pilipino.




๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ  ๐˜ฟ๐™Š๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐˜ผ๐™ ๐™๐™๐™‡๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. ๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™๐™Š๐™‡๐™”๐™Š, ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™„๐™‚ ๐˜พ๐™„๐™๐™”Isang malakas na sunog ang naganap noong July 29, 20...
30/07/2026

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฟ๐™Š๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐˜ผ๐™ ๐™๐™๐™‡๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. ๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™๐™Š๐™‡๐™”๐™Š, ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™„๐™‚ ๐˜พ๐™„๐™๐™”

Isang malakas na sunog ang naganap noong July 29, 2026, sa Interior Rosemarie Lane, Brgy. Kapitolyo, Pasig City. Umabot ito sa ikatlong alarma, na nagdulot ng matinding pinsala sa mga residente ng nasabing pamayanan.

Kaya naman ating simulan ang bayanihan at makiisa sa pagtulong sa mga naapektuhan. Maaring magbigay ng mga sumusunod na kagamitan:
โ€ข Pet Foods (for cats and dogs)
โ€ข Underwear (clean and wearable)
โ€ข Infant needs (diaper and milk formula)
โ€ข Hygiene Essentials

Para sa iba pang impormasyon maaring magpadala ng mensahe sa aming fb page.

[ONLINE DISCUSSION] Get the Fax Straight! A discussion on what is Pax Silica and how will it affect our countryโ€™s natura...
23/07/2026

[ONLINE DISCUSSION]

Get the Fax Straight! A discussion on what is Pax Silica and how will it affect our countryโ€™s natural resources.

๐Ÿ“† July 25, 4:00 PM
โœ‰๏ธ Message our page for more details

Kabataang kababaihan, tara sa senado! Sa mga nagdaang pangyayari sa senado, wala pa ring agarang aksyon at kongkretong p...
17/05/2026

Kabataang kababaihan, tara sa senado!

Sa mga nagdaang pangyayari sa senado, wala pa ring agarang aksyon at kongkretong plano ang mga nakaupo sa kapangyarihan. Patuloy pa rin tayong minamanipula, ninakawan, at tinatakbuhan. Ito ay nagpapatuloy nang masyadong mahaba, sapat na ang pang-aapi sa bayan. Ipakita sa mga nakaupo na ang tunay na kapangyarihan ay nasa lansangan at sa sambayanang Pilipino!



HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19! HUSTISYA PARA SA NEGROS!Mariing kinondena ng Gabriela Youth Pasig ang patuloy na focused mil...
26/04/2026

HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA SA NEGROS!

Mariing kinondena ng Gabriela Youth Pasig ang patuloy na focused military operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa probinsya ng Negros na naging dahilan ng pagpaslang sa 19 ka tao at paglikas ng mga residente 653 mula sa 168 kabahayan sa Toboso, Negros Occidental.

Kabilang sa 19 na biktima ng trahedya sa Negros ay sina Alyssa Alano, isang student leader mula sa University of the Philippines Diliman, RJ Ledesma isang community journalist ng Altermidya, Maureen Keil Santuyo isang peasant organizer, at si Errol Wendel na kapwa organisador rin ng mga magsasaka.

Ayon sa AFP, nanlaban ang mga biktima, may hawak na armas, at unang nagpaputok; ito ang salaysay at ang bersyon ng mga kaganapan ng militar. Gayunpaman, ang katotohanan ay isang masaker ang nangyari, at ito ay pilit na pinagtatakpan sa pamamagitan ng pag gamit ng mga trolls at pagpapakalat ng mga misimpormasyon hinggil sa massacre.

Kaya naman, nananawagan ang Gabriela Youth Pasig ng hustisya para sa Toboso 19! Hustisya para sa lahat ng biktima ng pasismo ng estado at itigil ang walang habas na atake sa mga magsasaka ng Negros!


Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa kalsada ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Panday Creek.
19/04/2026

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa kalsada ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Panday Creek.

"Ang panawagan ng kabataang kababaihan ng Pasigueรฑo ay isang makabuluhang hakbang upang wakasan ang paghihirap at kalbar...
04/04/2026

"Ang panawagan ng kabataang kababaihan ng Pasigueรฑo ay isang makabuluhang hakbang upang wakasan ang paghihirap at kalbaryo ng mamamayan."

Naki-isa ang Gabriela youth-Pasig at iba pang progresibong grupo, ipinapakita nila ang kanilang determinasyon na ipaglaban ang karapatan sa paninirahan at serbisyong panlipunan.

Ang pagprotesta mula Leona Compound hanggang Kenneth Talipapa ay naglalayong itigil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis, na siyang nagpapahirap lalo sa kalagayan ng sambayanan. Bukod dito, nananawagan sila ng agarang aksyon upang, ibasura ang oil deregulation law, alisin ang excise tax at VAT na nagpapabigat sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Ang mga hakbang na ito ay mahalaga upang mabawasan ang pasanin ng mga ordinaryong tao at mapabuti ang kanilang kalagayan. Ang pagtindig ng kabataan at kababaihan sa ganitong laban ay isang matibay na pahayag ng kanilang pakikiisa sa pagbabago para sa mas makatarungan at patas na lipunan.






๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ดBuong lakas n...
30/03/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด

Buong lakas na nakiisa ang kababaihan ng Gabriela Youth Pasig sa isinagawang transport strike upang ipanawagan ang agarang aksyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Kabilang sa kanilang mga panawagan ang IBABA ANG PRESYO NG LANGIS, tanggalin ang VAT at EXCISE TAX, at itaas ang SAHOD ng mga manggagawang Pilipino.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng mamamayan, mataas ang presyo ng bilihin, mababa ang sahod, at kulang ang sapat na suporta mula sa pamahalaan. Dahil dito, pinagtitibay ng mga kababaihan ang kanilang paninindigan na lumaban para sa karapatan at kapakanan ng masa. Hindi lamang ito laban ng sektor ng transportasyon, kundi laban ng bawat Pilipinong apektado ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw.

Patuloy ang panawagan para sa makataong solusyon sa krisis. Isang lipunang inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa kita.





๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป,  ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—ปฬƒ๐—ผ! Sa kaliwa't kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin...
30/03/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—ปฬƒ๐—ผ!

Sa kaliwa't kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis, bawat mamayang Pilipino ang pumapasan sa bigat nito. Mula sa Value Added Tax (VAT) hanggang sa patuloy na pagpataw ng excise tax sa langis ay isang kalbaryo na hindi alam kung kailan matatapos.

Kaya naman inaanyayahan ang lahat na tumindig at sumama upang iparating ang hinaing para sa mas kongkretong solusyon at agarang aksyon laban sa krisis na patuloy na nagpapahirap sa sambayanan.

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก:
โ€ข Excise Tax sa Langis, Alisin.
โ€ข VAT, Tanggalin.
โ€ข Agarang Aksyon, Ihain!

Gaganapin sa Leona Compound, Pinagbuhatan Molave Extension Pasig City ng 3:00 PM. Halina't makilahok sa laban ng mamayayan para sa bayan!

ALAMIN ANG KALBARYO NI MAJA, SION AT DINA!Nakahanda na ba ang gamot pang maintenance? Dahil MAJA high blood na naman tay...
30/03/2026

ALAMIN ANG KALBARYO NI MAJA, SION AT DINA!

Nakahanda na ba ang gamot pang maintenance? Dahil MAJA high blood na naman tayo ngayong Marso. Nitong Pebrero, matatandaan na nag taas ang Meralco ng 22 centavos per kilowatt-hour (kWh) at nito lamang Martes, Marso 10 nang magdeklara muli ang Meralco sa pagtaas ng konsumo sa kuryente. Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), P0.6427kWh ang itataas ng kuryente.

Kung kumokunsumo ka ng 200kWh, mag reresulta ito sa PHP 129.00 na dagdag bayarin sa kuryente na magdudulot ng dagdagsingil sa mga bayarin ngayong buwan ng Marso.

At hindi pa natatapos ang kalbaryo ni MAJA dito, dahil sa gitna ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin, gasolina, at kuryente, hindi nagpadaig ang Maynilad at Manila Water dahil sa darating na buwan ng Abril magtataas ang singil nito sa tubig. Ang Maynilad ay magtataas ng P0.09 per cubic meter at P0.04 per cubic meter naman sa Manila Water.

Kitang kita ang kunsimiSIONg hatid nito sa ating mga kababaihan at pamilyang Pilipino. Kulang na kulang ang P695 na kita kada araw para sa nagtataasang presyo ng bilihin at singil ng mga pribadong sektor. Pano pa natin mapagkakasya ang kakarampot na kita sa isang Buwan? Gayong hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa. HinDINA makasabay ang sahod sa nagtataasang mga presyo ng bilihin at singil sa yutilidad.Idagdag mo pa ang pahirap na 12%VAT sa bill ng kuryente at tubig.

Habang kumakayod ang mga kababaihan at pamilyang pilipino sa lumalalang krisis, hindi maikakaila ang pananamantala ng mga malalaking negosyanteng nasa likod ng MERALCO, MAYNILAD at MANILA WATERS na sina Enrique Razon, Manny Pangilinan at Ayala. Ang ginagawa ng mga kapitalistang ito para hindi mabawasan ang kanilang kita sa krisis na dulot ng imperyalistang US, ay itaas ang singil sa kanilang mga negosyo na nagdadala ng KALBARYO sa ating mamamayan.

HinDINA nga tayo makahinga sa paghihigpit ng sinturon, wala pang solusyon na ginagawa ang gobyernong MARCOS-DUTERTE sa patuloy na pagtaas ng kuryente at tubig. Ang serbisyong dapat sa tao sinasamantala at pinagkakakitaan ng malalaking burgesya komprador.

Araw - araw na lang penitensya sa maralita ang hatid ng mababang sahod at mataas na presyo ng mga bilihin at yutilidad. Kaya ipinapanawagan natin:

VAT sa kuryente at tubig Tanggalin!
Sahod Pataasin!

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabriela Youth - Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share