25/04/2026
Grabeng insulto ito sa mga g**o na ang malinaw na panawagan ay dagdag sahod.
Bilang mga education students, ramdam namin kung gaano ito kalayo sa tunay na laban ng sektor. Habang kami’y hinuhubog para maging susunod na tagapagturo ng bayan, malinaw sa amin na ang ugat ng problema ay hindi kakulangan sa kaalaman kung paano mag-budget o umiwas sa utang. Ang ugat ay sahod na hindi makatao, benepisyong kapos, at sistemang patuloy na umaasa sa sakripisyo ng g**o para lang umandar ang edukasyon.
Anong mensahe ang ipinapadala nito sa amin na papasok pa lang sa propesyon? Na kapag hindi sapat ang sahod, ang solusyon ay matutong umutang nang "matalino"? Na kailangan naming tanggapin na bahagi ng pagiging g**o ang pagkakautang? Hindi ito paghahanda, normalisasyon po ito ng kakulangan. Hindi namin pinangarap ang propesyong ito para matutong mag-survive sa utang. Pinili namin ito para maglingkod nang may dignidad.
Kung tunay na pagpapahalaga ang layunin, hindi webinar sa debt management ang dapat inuuna. Dapat ay konkretong hakbang para sa dagdag sahod, disenteng benepisyo, at pag-alis ng mga gastusing ipinapasa sa mga g**o. Dahil walang seminar ang makakapantay sa isang sahod na sapat para mabuhay nang maayos—at walang "financial literacy" ang makakapalit sa katarungang matagal nang ipinagkakait sa mga g**o.
Kung seryoso ang suporta sa mga g**o, unahin ang makabuluhang umento, maayos na benepisyo, at pagbawas sa mga gastusing ipinapasa sa kanila. Dahil walang budgeting seminar ang makakapuno sa sahod na kulang sa pang-araw-araw na pangangailangan.