04/03/2026
Maraming usapin tungkol sa Super Session, kaya nararapat lang na malinaw at balanse ang impormasyon tungkol dito.
Una sa lahat, ang Super Session ay optional. Hindi ito sapilitan at walang rider ang pinipilit na kumuha nito. May pagpipilian pa rin kung regular session o no planner ang nais gamitin.
Pangalawa, hindi ito kapalit ng regular session o no planner. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 10–15% lamang ng kabuuang riders ang maaaring magkaroon ng Super Session dahil limitado ang slots. Ibinibigay ang option sa lahat, ngunit hindi lahat ay makakakuha.
Ang Super Session ay dumaan sa masusing pag-aaral. Nagkaroon ito ng pilot testing, inayos batay sa resulta, at saka inilunsad. Gayunpaman, nananatiling limitado ang availability nito dahil bahagi ito ng mas malawak na sistema at pagsusuri ng demand.
Hindi rin ito available sa lahat ng lugar at oras. Nakabatay ang algorithm sa demand, lalo na sa mga pagkakataong mas marami ang gumagamit ng promo o mga customer na hindi nagbabayad ng delivery fee dahil si Grab ang nagso-subsidy nito. Ibig sabihin, may mga oras at lugar lang talaga kung saan ito mas lumalabas.
May mga rider na nagbahagi ng kani-kanilang karanasan. Halimbawa, may nagsabi na kapag regular session siya ay umaabot siya ng apat na bookings, ngunit nang subukan ang Super Session ay naging pito ang bookings niya. Mas mababa man ang kita kada booking, nababawi naman sa dami. Sa kabilang banda, may mga area rin na mas epektibo pa rin ang regular session. Nakasalalay pa rin ito sa diskarte, lokasyon, at timing.
Mahalagang makita rin ang pananaw ng customer. Ang pag-subscribe sa GrabUnlimited ay nagbibigay sa kanila ng libreng delivery, na nakakatulong para mas dumami ang bookings lalo na sa mga panahong si Grab ang sumasagot sa delivery subsidy.
Sa huli, hindi ito usapin ng pagpuri o pagtuligsa. Ang mahalaga ay malinaw ang impormasyon at may sapat na pag-unawa bago magdesisyon. Iba-iba ang sitwasyon ng bawat rider, at ang pinakamainam na piliin ay nakadepende sa sariling karanasan at estratehiya sa byahe.
📌 Reminder:
All photos, videos, and other original content posted on this page are protected under Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
Unauthorized downloading, reposting, sharing, reproduction, including screenshots, or any use without written permission from the page owner is strictly prohibited.
Ctto : Ugnayan Community