22/07/2026
ALYCESS JOY ODASCO
Tinatawagan ng pansin ang mga kamag-anak, nanay na si Princess Joy Odasco, kasama ang itinuturong tatay na si Alvin Abitan, tinatayang trenta taong gulang na, ng batang babae na si Alycess Joy Odasco, na isinilang noong Pebrero 11, 2024 sa Bicol Medical Center, Naga City. Ang nakatalang tirahan ni Alvin, ay sa Zone 7, San Antonio, Ocampo, Camarines Sur. Siya ay nagtatrabaho bilang manggagawa sa bukid. Ang nasabing batang babae ay nasa pangangalaga ng Saint Rita Orphanage, Inc., mula pa noong Marso 09, 2026.
Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa lalong madaling panahon kay Ms. Yvette Therese Bertillo Buquid, RSW at Ms. Lani Battulayan, RSW, mga Social Workers ng SAINT RITA ORPHANAGE, Inc. (SRO) na matatagpuan sa Dr. Arcadio Santos Avenue, St. Rita Village, Barangay BF Homes, 1700 Sucat, Parañaque City, tumawag sa telepono bilang 72547891 o kaya mag-padala ng mensahe sa FB Page, Saint Rita Orphanage, Inc. Home of Children.
Maraming Salamat po.