SAP Commission On Youth

SAP Commission On Youth Welcome to San Agustin Parish Commission on Youth's official Facebook! Located at Barangay Moonwalk, Paranaque City. Telephone #: (02) 8828-8930

Join us in fostering faith, fellowship, and service among the youth!

๐—•๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€Isang lalaking relihiyoso na naging tanyag sa kanyang karunu...
13/06/2026

๐—•๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€

Isang lalaking relihiyoso na naging tanyag sa kanyang karunungan, kabanalan, at tapat na paglilingkod sa Diyos, si San Antonio de Padua ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga mananampalataya sa buong mundo. Sa pagdiriwang ng kanyang dakilang kapistahan, nawaโ€™y tularan natin ang kanyang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos na naging gabay niya sa bawat hakbang ng kanyang buhay.

๐—ฅ๐—˜๐—”๐——๐—ฌ, ๐—ฆ๐—˜๐—ง, ๐—š!G para sa God, Growth, at Grace! Handa na ang San Agustin Parish Commission on Youth para sa paglalakbay t...
12/06/2026

๐—ฅ๐—˜๐—”๐——๐—ฌ, ๐—ฆ๐—˜๐—ง, ๐—š!

G para sa God, Growth, at Grace! Handa na ang San Agustin Parish Commission on Youth para sa paglalakbay tungo sa Diocesan Youth Day 2026!

Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, nabigyang-linaw ang mga mahahalagang detalye, gawain, at mga inaasahan para sa pagdiriwang ng pananampalataya ng mga kabataan. Naging pagkakataon din ito upang higit na mapagkaisa, mapalalim ang diwa ng paglilingkod, at maihanda ang bawat isa sa makabuluhang karanasang naghihintay sa atin.

Kasama ang Diyos, tayo ay maglalakbay bilang isang sambayanan ng kabataanโ€”handang isabuhay ang temang
FIAT: Faith in Action and Talents.

โœจ๐Ÿ™๐Ÿ’™

โœ๏ธ๐Ÿ“– ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ŸKasabay ng ating mga gawaing pangkabataan, matagumpay ring naisagawa ang pamamahagi ng mga s...
12/06/2026

โœ๏ธ๐Ÿ“– ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—Ÿ

Kasabay ng ating mga gawaing pangkabataan, matagumpay ring naisagawa ang pamamahagi ng mga school supplies sa ilalim ng programang "Isang Lapis, Isang Papel" ng PCOY.
Sa bawat lapis at papel na naibabahagi, kaakibat nito ang pag-asa, suporta, at pagmamahal para sa mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap para sa kanilang kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng naging instrumento upang maisakatuparan ang simpleng proyektong ito. Nawa'y patuloy tayong maging daan ng kabutihan at biyaya para sa ating kapwa.

๐ŸŒธ ๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—–๐˜‚๐—น๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐ŸฉทNoong Mayo 31, matagumpay na isinagawa ng SAP Commission on Youth ang Cul...
12/06/2026

๐ŸŒธ ๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—–๐˜‚๐—น๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐Ÿฉท

Noong Mayo 31, matagumpay na isinagawa ng SAP Commission on Youth ang Culmination Activity ng Flores de Maria. Sa loob ng mga nagdaang araw, sama-sama nating pinarangalan si Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng panalangin, pag-aalay ng mga bulaklak, at pagpapalalim ng ating pananampalataya bilang mga kabataan.

Ang pagtatapos ng Flores de Maria ay hindi lamang pagwawakas ng isang gawain, kundi pagpapatuloy ng ating paglalakbay bilang mga kabataang may pusong naglilingkod at nakasentro kay Kristo sa pamamagitan ni Maria.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. ๐Ÿฉทโœจ

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐‘๐ก๐ฒ๐ฌ ๐Œ. ๐๐š๐ฌ๐œ๐ฎ๐š! ๐ŸŽ‰Buong kagalakan at pasasalamat sa Diyos, binabati ka namin sa pagtatalaga at sa i...
07/06/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐‘๐ก๐ฒ๐ฌ ๐Œ. ๐๐š๐ฌ๐œ๐ฎ๐š! ๐ŸŽ‰

Buong kagalakan at pasasalamat sa Diyos, binabati ka namin sa pagtatalaga at sa iyong pagtanggap bilang bagong Coordinator ng Commission on Youth ng ating parokya.

Ang iyong pagtanggap sa tungkuling ito ay patunay ng iyong kahandaan na maglingkod nang may kababaang-loob, pananampalataya, at malasakit sa kabataan. Nawaโ€™y maging daan ka upang higit pang mapalapit ang mga kabataan kay Kristo at maging inspirasyon sa kanilang paglago bilang mga aktibong lingkod ng Simbahan.

Dalangin namin na patuloy kang gabayan ng Panginoon sa bawat hakbang ng iyong paglilingkod. Nawaโ€™y manatili kang tapat sa misyong ipinagkatiwala sa iyo, matatag sa gitna ng mga hamon, at mapagpakumbaba sa bawat tagumpay na iyong mararanasan.

Sa iyong pamumuno, nawaโ€™y magpatuloy ang pagkakaisa, sigla, at pananampalataya ng ating mga kabataan para sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos.

Congratulations, Kuya Rhys!
Patuloy kang pagpalain at patnubayan ng Diyos sa bagong yugto ng iyong paglilingkod. ๐Ÿ™๐Ÿ’™



๐“๐ก๐ž ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข ๐Ÿ™โ€œI am the living bread that came down from heaven; whoever eats this bread will live foreve...
07/06/2026

๐“๐ก๐ž ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข ๐Ÿ™

โ€œI am the living bread that came down from heaven; whoever eats this bread will live forever.โ€
โ€” ๐ฝ๐‘œโ„Ž๐‘› 6:51

Today, we celebrate the Feast of Corpus Christi, the Most Holy Body and Blood of Christ. This special day reminds us of the greatest gift Jesus left to His Churchโ€”the Holy Eucharist. Through the Eucharist, Christ remains truly present with us, nourishing our souls and strengthening us in our daily walk of faith.

As we gather around the Lordโ€™s table, we are reminded that the Bread of Life unites us as one family in Christ. May our devotion to the Eucharist inspire us to live with gratitude, share His love with others, and become reflections of His mercy in the world.

Let us approach the altar with faith and reverence, recognizing that in every Eucharist, Jesus gives Himself completely out of love for us.

๐Ÿ™ ๐๐ซ๐š๐ฒ๐ž๐ซ:
Lord Jesus, truly present in the Holy Eucharist, thank You for feeding us with Your Body and Blood. Deepen our love for You, strengthen our faith, and help us bring Your presence to others through lives of charity and service. May we always remain close to You and find our strength in Your everlasting love. Amen.



๐“๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง โ€” ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ, ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐„๐ฅ๐จ๐ฒ!    Sa loob ng tatlong taon, ikaw ay n...
06/06/2026

๐“๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง โ€” ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ, ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐„๐ฅ๐จ๐ฒ!

Sa loob ng tatlong taon, ikaw ay naging mabuting pastol sa kabataan ng ating parokya. Nagsimula sa kakaunti, ngunit ito'y inyong naparami. Idolo ka naming binansagan dahil sa inyong determinasyon at dedikasyon sa paglilingkod. Dumaan ang iba't ibang unos at mga sitwasyong ibig nang sumuko at magpahinga, ngunit ito'y hindi naging hadlang sa iyong patuloy na paglilingkod para sa ikabubuti ng lahat.

Palagi mong sinasabi at pinapaalala sa lahat ng kabataan na tayo'y maglingkod nang buong kababaang-loob. Magsikap na maitaguyod ang misyong maparami ang kabataan ng parokya at mamulat sila na masayang maglingkod sa Panginoon, at mapalalim din ang kanilang pananalig at tiwala sa Maykapal. Ang iyong pagmamalasakit para sa lahat, pag-unawa, at pagbibigay ng mga payo ay nagsilbing gabay at inspirasyon sa marami sa amin.

Buong pusong pasasalamat sa iyong tapat, mapagkumbaba, at walang sawang paglilingkod sa kabataan at sa Simbahan. Ang lahat ng iyong sakripisyo, pagmamahal, at dedikasyon ay hindi matutumbasan ng anumang bagay. Habambuhay naming dadalhin ang mga aral, paggabay, at inspirasyong iyong iniwan sa aming mga puso.

Sa bagong misyong iyong pinili, segurado kaming ikaw ay masaya at buong puso mo itong tinanggap. Nawa'y patuloy kang gabayan, pagpalain, at ingatan ng Panginoon sa panibagong yugto ng iyong bokasyon. Ang aming pabaon sa iyo ay ang aming taos-pusong pagmamahal at mga panalangin para sa iyong bagong misyon.

๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐š ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง, ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐“๐š๐ญ๐š๐ฒ ๐„๐ฅ๐จ๐ฒ!


06/06/2026
05/06/2026

On the joyous occasion of your 75th birthday, the faithful of the Diocese of Paraรฑaque offer our heartfelt prayers, gratitude, and warmest greetings to our beloved Bishop, Most Rev. Jesse E. Mercado, D.D.

For many years, your devoted service, pastoral leadership, and unwavering faith have been a source of inspiration to the clergy, religious, and laity entrusted to your care. Through your guidance, the Diocese has grown in communion, mission, and love for Christ and His Church.

As you celebrate this milestone of seventy-five blessed years, we thank God for the gift of your life, your priesthood, and your episcopal ministry. May the Lord continue to grant you good health, peace, strength, and abundant blessings. May the Blessed Virgin Mary, Nuestra Seรฑora del Buen Suceso, accompany you always and keep you under her maternal protection.

๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š 75๐’•๐’‰ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š, ๐‘ฉ๐’Š๐’”๐’‰๐’๐’‘ ๐‘ฑ๐’†๐’”๐’”๐’†!

03/06/2026

LIVE: TALK

Peace and Mission
by Rev. Fr. John Nathan Ma. Maagma OFMConv.

03 JUNE 2026 | 9:40 AM

Address

E. Rodriguez Avenue San Agustin Village, Moonwalk Paranaque City
Paraรฑaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAP Commission On Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share