18/06/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥 (𝐍𝐒𝐄𝐃)
Aktibong nakiisa ang Tambo National High School sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapaigting ang kamalayan, kahandaan, at paghahanda ng mga mag-aaral, g**o at ng mga staff sa panahon ng lindol at iba pang sakuna.
Sa pamamagitan ng wastong pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold,” maayos na paglikas, at mga gawaing pang-emergency, muling naipakita ng mga kalahok ang kanilang disiplina, kooperasyon, at kahandaan sa pagtugon sa mga sitwasyong pangsakuna.