30/08/2026
CONFEDERATION OF ILOCANO ASSOCIATION, INC. SAMAHANG ILOKANO SEC,REG.61892 SOLID JUMA LOYALIST ORIGINAL TAYUG CHAPTER CAN #.2014-037
MARAMING SALAMAT PO! 🙏
Sa bawat Kapatid at Kababayan na tumugon sa tawag at nag-alay ng bahagi ng inyong sarili upang magligtas ng buhay — lubos po kaming nagpapasalamat. Ang inyong pagmamalasakit at wagas na pagbibigay ay mananatiling nakaukit sa aming mga puso magpakailanman. Kayo ang naging pag-asa, tulong, at biyaya na hinihintay ng iba. Bawat patak ng dugong inyong inalay ay napakahalaga — ito ay pagkakataon para sa bagong buhay, liwanag sa gitna ng dilim, at patunay ng wagas na pagmamahal sa kapwa. 🫶
Katuwang sa Gawaing Ito:
🚀 Advance Cash Credit — Rocket Lending Inc.
🏔️ Highlander Solution
🙏 Maraming Salamat po, Sir at Madam!
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at pakikilahok. Ang inyong kabutihan ay malaking tulong sa aming adhikain na makatulong sa kapwa. Pagpalain nawa kayo ng Maykapal nang sandaang higit pa! 🙏❤️
Ang gawaing ito ay isinagawa sa pangunguna ng aming minamahal na Samahang Ilocano 6th district Of Pangasinan— CIAISI, kasama ang aming katuwang na CFERM Rosales. Pagpalain nawa ng Maykapal ang bawat isa sa inyo nang sandaang higit pa sa inyong kabutihan. ✨
Ag Biag🤞🤞🇵🇭🤞🤞❤️