28/06/2026
We sincerely apologize for the disappointments lalo sa mga nag-expect at nag-post regarding to our team's genuine efforts. Gusto lang naming sabihin na lahat ng natanggap ninyo galing sa aming organisasyon ay hindi "LANG" basta-basta. Pinag-isipan namin ito ng matagal at ibinuhos ang lahat ng aming makakaya upang mapasaya kayo. If there's something na taliwas pa sa expectations ng bawat isa, know that it is already beyond our control.
We hope that instead of complaining, sana ma-practice pa natin ang pag-aappreciate at pagpapasalamat sa mga natatanggap natin. Wala rin po sa vocabulary namin ang maging BIAS/Unfair sa kahit na sino sa inyo.
From your SK Banaoang Officials, ikinalulugod naming maglingkod sa inyo. ๐ค