11/04/2026
πππππππππ πππππππ: πππππππ ππ ππππππ ππ ππππππππ ππ ππππππππππ
Nitong gabi ng ika-11 ng Abril 2026, maraming residente sa Pangasinan ang nakapansin ng isang maliwanag na bagay sa kalangitan na may anyong kahawig ng βjellyfish.β Ang pangyayaring ito ay agad na kumalat sa social media at nagdulot ng pag-uusisa sa publiko.
Nais ipabatid ng Pangasinan Police Provincial Office na sa kasalukuyan ay wala pong dapat ipangamba, at ang ganitong uri ng tanawin ay maaaring kaugnay ng mga kilalang space-related phenomena, gaya ng epekto ng rocket launch na nasisinagan ng araw sa mataas na bahagi ng atmospera.
Para sa opisyal at siyentipikong paliwanag hinggil sa ganitong mga pangyayari, ang Philippine Space Agency (PhilSA) at ibang ahensiya ng ating gobyerno kagaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), o ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang may pangunahing mandato na magbigay ng beripikadong impormasyon.
Hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado, umiwas sa pagpapakalat ng hindi kumpirmadong balita, at maghintay sa opisyal na pahayag mula sa kinauukulang ahensya.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na kooperasyon. # # #
END
In case of emergency, contact us thru:
0917-148-9938 / 0998-598-5092 or DIAL 911
PBGEN DINDO R REYES
PRO1 Public Information Office
Police Regional Office 1
Province of Pangasinan