28/04/2026
Dahil malapit na nating malaman kung sino ang mga magiging bagong Project W.A.T.C.H. officers, throwback muna tayo.
Narito ang iilan sa mga larawan ng mga nagdaang opisyales ng ating programa at naging kabahagi sa pagpapalaganap ng ating adbokasiya.
Malayo na ang ating narating. Hinirang na tayo bilang 2nd runner-up Best Implementing School sa buong bansa, subalit tayo ay nanatiling masigasig at mapagkumbaba, maaasahan at mapagkakatiwalaan, maagap at matapat, sapagkat alam natin na ang ating responsibilidad ay hindi natatapos dahil lamang sa isang parangal.
Nawa'y ang mga hihiranging bagong batang lider ay maipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng mga nauna sa kanila at ang mga wala na sa posisyon ay hindi mawawaglit ang ang suporta sa organisasyong minsang kinabilangan nila.
🫡