BAGTech SamaFil

  • Home
  • BAGTech SamaFil

BAGTech SamaFil Opisyal na page ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino ng Bro. Andrew Gonzalez Technical Hig School

Ihanda niyo na muli ang inyong mga kagamitan sa pagpupunla sapagkat itatanim na natin ang ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ng...
18/08/2025

Ihanda niyo na muli ang inyong mga kagamitan sa pagpupunla sapagkat itatanim na natin ang ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ngayong araw. Ito ay may bungang impormasyon na tumatalakay sa:

๐ŸŒฑ ๐— ๐—”๐—ก๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐—Ÿ. ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก: ๐—”๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” ๐ŸŒฑ

Marahil ay narinig niyo na ang pangalang Manuel Luis Quezon bilang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, ngunit alam niyo ba na siya rin ang tinaguriang โ€œAma ng Wikang Pambansaโ€? Siya ay isinilang noong Agosto 19, 1878 at nagsilbing pinuno ng bansa na may malaking malasakit sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa iisang wika.

Noong Disyembre 30, 1937, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, ipinroklama niya ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ayon kay Quezon, ang pagkakaroon ng isang wikang maiintindihan ng lahat ay magsisilbing tulay upang higit na magkaisa ang bawat mamamayan, saanmang panig ng kapuluan nagmula.

Hindi lamang siya isang pangulo kundi isa ring lingkod-bayan na nagsulong ng mga batas at patakarang nakatulong sa ibaโ€™t ibang sektor. Ngunit higit sa lahat, ang kanyang pamana sa wika ang nagbigay-daan upang ang Wikang Filipino ay patuloy na umusbong at yumabong hanggang sa kasalukuyan.

Kaya naman, tuwing ipinagdiriwang natin ang ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, hindi natin dapat kalimutan ang kanyang papel bilang tinig na nagtanim ng binhi ng pagkakaisa para sa ating bayan.

Maraming Salamat! Nawaโ€™y patuloy na mamunga sa inyong isipan ang ikalawang binhi ng kaalaman. ๐ŸŒฟโœจ

Sanggunian:

> Komisyon ng Wikang Filipino

12/08/2025

Mabuhay, Andrewnians!

Gisingin na natin ang inyong natutulog na makabayang diwa at paalabin ang apoy ng nasyonalismo sa inyong pagkatao sapagkat magsisimula na ang mga patimpalak para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2025.

Masasaksihan na natin ang pagtangis ng mga pluma sapagkat sa bawat nilalabas nitong tinta ay tiyak na may mga nakatagong mahihiwagang salita.

Tunghayan din natin at pakinggan ang mga pinagsama-samang tinig ng mga batang sigaw ay isulong at pagyabungin ang wikang pambansa.

Bukod pa rito, atin ding silayan ang mga malikhaing kamay, masining na pagkukuwento, at talas ng isip ng bawat Andrewnian.

Kaya naman, humanda na at sabay-sabay nating ipagmalaki ang ating wika na siyang ating pagkakakilanlan at yaman magpakailanman.

( Ang mga araw gawain sa nasabing pagdiriwang ay makikita sa bidyo at kaakibat nito ay ang mga araw kung kailan ito gaganapin.)

Ihanda niyo na ang inyong kagamitan sa pagpupunla sapagkat itatanim na natin ang unang binhi ng kaaalaman ngayong Lunes....
11/08/2025

Ihanda niyo na ang inyong kagamitan sa pagpupunla sapagkat itatanim na natin ang unang binhi ng kaaalaman ngayong Lunes. Ito ay may bungang impormasyon na tumatalakay sa:

๐ŸŒฑ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—•๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—š, ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข, ๐—”๐—ง ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข. ๐ŸŒฑ

Marami sa atin ang hindi pa rin batid ang pagkakaiba ng tatlong terminong nabanggit sa unang talata kaya hayaan niyo kaming magtanim ng butil ng kaalaman sa inyong isipan.

Ang ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด ay wikang panrehiyon na ginagamit ng mga katutubo sa Katagalugan, kabilang ang Bulacan, Bataan, Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Puerto Princesa, Nueva Ecija, at sa National Capital Region o Metro Manila. Noong ika-30 ng Disyembre 1937, opisyal itong kinilala ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang batayan ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at sinimulang ituro sa lahat ng paaralan sa buong kapuluan noong 1940. Ayon sa sarbey ng Ateneo de Manila University noong 1989, 92% ng mga Pilipino ang nakaiintindi ng Tagalog.

Sa kabilang banda, noong ika-13 ng Agosto 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nilagdaan ni Jose Romero, dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, pinalitan ang tawag sa wikang pambansang batay sa Tagalog at tinawag itong ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ. Ayon kay Panganiban (1970), layunin nito na alisin ang isip-rehiyonalista, itugma ang pangalan ng wika sa pangalan ng bansa, at sapagkat wala nang ibang mas angkop na katawagan para rito.

Ngunit ito ay pinalitan na naman sa bisa ng 1987 Konstitusyon, ang tawag sa ating wikang pambansa ay naging ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ. Ito ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang midyum ng komunikasyon, pasalita at pasulat. Bilang isang wikang buhay, patuloy itong umuunlad sa ibaโ€™t ibang pook, sitwasyon, at antas ng talakayang akademiko, habang pinayayaman ng malikhaing katangian at kaalaman mula sa ibaโ€™t ibang katutubong wika ng Pilipinas.

Maraming Salamat! Nawa ay tumilos sa inyong isipan ang nilalaman ng unang binhi ng kaalaman.

Mga Sanggunian:

Corazon P. San Juan, Rosario U. Mag-atas, et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino, (Maynila, 2009).

Jennifor Aguilar, Jomar I. Caรฑega, et al, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, JenHer Publishing House, (Maynila, 2016)

Virgilio S. Almario, Pagpaplanong Wika at Filipino, Komisyon sa Wikang Filipino (Maynila, 2015), p.116.

Virgilio S. Almario, Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino (Maynila, 2014)

๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ: Rizzi Ann D. Enriquez

Mabuhay, Andrewnians!Samahan niyo kaming magtanim ng mga binhi ng kaalaman tuwing Lunes nang sa ganoon kapag panahon ng ...
11/08/2025

Mabuhay, Andrewnians!

Samahan niyo kaming magtanim ng mga binhi ng kaalaman tuwing Lunes nang sa ganoon kapag panahon ng anihan ay may mga bagong kaalaman tayong matutuhan patungkol sa wika at panitikang Filipino.

๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ถ: Kathryn Chloe Maglalang
๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ: Rizzi Ann D. Enriquez

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ! ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ! Kasabay ng paglipat ng pahina ng kalendaryo sa buwan ng Agosto...
10/08/2025

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ! ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ!

Kasabay ng paglipat ng pahina ng kalendaryo sa buwan ng Agosto, ang ating sariling pagkakakilanlan ay mabubuhay na naman sapagkat ito ang buwan na siyang ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika.

Alinsunod sa tema ng nasabing pagdriwang ngayong taon, sabay-sabay nating kilalanin at bigyang pansin ang natatanging ganda at yaman ng mga wikang katutubo rito sa ating nasyon. Iwaksi natin ang mga negatibong paniniwala na may wikang nangingibabaw sapagkat walang wika na ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ณ o ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ณ.

Bilang pagsuporta sa ganitong uri ng adhikain, ako si (Pangalan) mula sa (Baitang at Pangkat) ay taas noong nakikiisa sa pagsulong ng mga wikang katutubo sa ating bansa sapagkat naniniwala ako na sa kabilang banda ng ating pagkakaiba ay naririto pa rin tayo at nakikiisaโ€” binibigkis ng ating minamahal na lingua franca.

Kaya naman ang sigaw namin ay:
๐—ฆ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ! ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ!





๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ: Rizzi Ann D. Enriquez

Narito ang link para sa frame ng larawan:
https://twibbo.nz/buwanngwika-samafil

Address

San Juan Apalit, Pampanga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAGTech SamaFil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share