Vanguard for Environmental Responsibility and Development Excellence

Vanguard for Environmental Responsibility and Development Excellence KEEP IT CLEAN, KEEP IT GREEN! 🍃

17/12/2025
PAGBABAHAGI NG KAGALAKAN NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN!Ngayong araw, ika-17 ng Disyembre 2025, ay isinagawa ang isang hi...
17/12/2025

PAGBABAHAGI NG KAGALAKAN NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN!

Ngayong araw, ika-17 ng Disyembre 2025, ay isinagawa ang isang hindi malilimutan at tunay na makabuluhang gawaing paglilingkod sa pangunguna ng HCC-SHS Vanguard for Environmental Responsibility and Development Excellence (HCC-SHS VERDE) Executive Officers and Volunteer Corps.

Sampu ng mga kaanib ng VERDE, kami ay lubos at taos pusong nagpapasalamat sa pagkakataong makasama at makapagbahagi ng kagalakan sa mga munting anghel ng Fulgencio Matias Elementary School sa panahong ito ng Kapaskuhan (Holiday Season). Sa pamamagitan ng mga palaro na may gantimpala, pamamahagi ng mga regalong maingat na inihanda, at pagsasalo salo sa merienda, nasaksihan namin ang wagas na tuwa na hatid ng kanilang mga inosenteng halakhak at maningning na mga ngiti, na siyang nagbigay lakas at nagpaalab sa aming mga puso.

Kami rin ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga gurong gumabay at tumulong sa gawaing ito, lalung lalo na sa Punong-guro, si G. Humphrey R. Soriano, sa kanyang mainit na pagtanggap at buong pusong suporta.

Bilang bahagi ng aming patuloy na paglilingkod, kami ay nangakong babalik upang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng kagalakan at mga biyayang ipinagkaloob sa amin, hindi lamang sa paaralang ito, kundi maging sa iba pang mga munting anghel sa pamayanan. MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON!

As Holy Cross College’s 80th Founding Anniversary ends, we in VERDE pause with full hearts. Ang bilis ng linggo, pero an...
29/11/2025

As Holy Cross College’s 80th Founding Anniversary ends, we in VERDE pause with full hearts. Ang bilis ng linggo, pero ang bigat ng iniwan nitong saya, pagod, kilig, teamwork, at mga alaala na hindi namin malilimutan.

This celebration was not just a set of events. It was a living reminder of who we are as Crucians, grounded in Fides, Caritas, and Libertas. Sa bawat ngiti, bawat palakpakan, at kahit sa bawat pagod, ramdam namin ang pagkakaisa ng buong komunidad.

From the burst of the Color Run, the power of the Speech Choir, the concerts and pageants, the solemn Krus Festival, the creative SHS booths, up to the emotional awarding ceremonies, every moment humbled us and reminded us why we serve.

On behalf of VERDE, maraming, maraming salamat po. Manning booths, crafting props, assisting teams, and showing up whenever needed was never just a task for us. It was an honor and our way of giving back.

As we say goodbye to this unforgettable week, may kurot sa puso, pero higit sa lahat, punong puno ng pasasalamat. We carry forward the spirit of this anniversary rooted in Fides, strengthened by Caritas, and guided by Libertas.

From all of us in VERDE, thank you, Crucians. You made this week truly unforgettable!

28/11/2025
As Holy Cross College marks its 80th Founding Anniversary, VERDE is truly grateful to have been part of the celebration....
28/11/2025

As Holy Cross College marks its 80th Founding Anniversary, VERDE is truly grateful to have been part of the celebration. We were happy to assist wherever we were needed, whether helping at the SHS booth, preparing props for the Krus Festival, or lending a hand in the kitchen for the kbuns.

We, the VERDE Executives and Volunteer Corps, are deeply thankful for the chance to serve. Our heartfelt appreciation goes to the Central Student Council Adviser, Ma’am Camille Muldong, the Crux Magna Adviser, Sir Sephus Macapagal, our fellow RSOs, namely, the mother organization, Central Student Council, the ABM Society, HUMSS Society, STEM Society, TVL Society, OrMaFil, and Crux Magna for their dedication and for welcoming our support.

Thank you for trusting us, for allowing us to help, and for giving us the space to practice genuine volunteerism.☘️💚✨

❤️
24/11/2025

❤️

HOLY CROSS COLLEGE’S COLOR RUN 2025!KULAY AT PAGKAKAISA, KULAY NG PAGKAKAISA!Sa pagtupad ng tungkuling maging bahagi ng ...
24/11/2025

HOLY CROSS COLLEGE’S COLOR RUN 2025!

KULAY AT PAGKAKAISA, KULAY NG PAGKAKAISA!

Sa pagtupad ng tungkuling maging bahagi ng paghahanda at pagsasakatuparan ng Color Run 2025, bilang pagdiriwang ng Ika-80 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Holy Cross College, buong puso pong nagsikap ang mga VERDE Officers upang maisagawa nang maayos ang lahat ng itinakdang gawain. Mula sa masinsinang paglilinis ng mga galon at pagsasaayos ng mga kagamitan, hanggang sa aktibong pakikibahagi sa mismong preparasyon at pagdaloy ng programa, kanila pong ipinamalas ang pagkakaisa at tapat na pagganap sa tungkulin.

Katuwang at kasama ng VERDE Officers ang iba pang Recognized Student Organizations ng Senior High School, ang masisipag na utility staff, SHS faculty members, at iba pang kusang loob na naglingkod. Lahat po sila ay pinangasiwaan at pinamunuan ni G. Camilo D. Lacanlale, ang Chairperson ng Color Run 2025, na naging gabay sa maayos at organisadong pagdaloy ng bawat bahagi ng aktibidad.

Sampu sa mga kasapi ng aming organisasyon, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa pagkakaloob ng pagkakataong maging bahagi ng isang makasaysayang kaganapan sa kasaysayan ng Holy Cross College. Ang karangalang makiisa at makapaglingkod sa Color Run 2025 ay isang pribilehiyong lubos naming pinahahalagahan. Nawa’y ang aming munting ambag, kalakip ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng boluntaryo, ay maging daan upang lalo pang umunlad, tumibay, at magpatuloy ang mga gawaing nagbubuklod sa ating paaralan at komunidad.


15/11/2025

20 DAYS BEFORE 80 YEARS
CLEAN-UP DRIVE

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 20 Days Before 80 Years para sa ika-80 Founding Anniversary ng Holy Cross College, matagumpay na naisagawa ang isang cleanup drive sa Santa Ana Elementary School.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng masigasig na NSTP Coordinator, Ginoong Berri, kasama ang kanyang mga NSTP students mula sa SCJ (School of Criminal Justice) ng College Department. Kasama rin ang buong suporta ng VERDE Executives, VERDE Volunteer Corps, at HCC Junior Responders, na nagbigay-lakas at sigla sa gawaing ito. Dahil sa kanilang sabayang pagsisikap at dedikasyon, naging makabuluhan at mabunga ang aktibidad na ito.

Sa bawat pagwalis, pag-aayos, at paglilinis ng kapaligiran, ipinamalas ng ating kabataan ang diwa ng paglilingkod, disiplina, at malasakit sa komunidad.

Bilang kinatawan ng lahat ng volunteers, amin pong ipinaabot ang aming taus-pusong pasasalamat kay Ginoong Berri sa pagbibigay ng pagkakataon sa amin na makibahagi sa ganitong mga inisyatiba at gawain na naglalayong ipagpatuloy ang magandang nasimulan, lalo na sa pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa ating kapaligiran. Ito ay nagsisilbing isang mahalagang simula tungo sa positibong pagbabago at mas malinis na kapaligiran para sa ating komunidad.

Isang maliit ngunit makabuluhang hakbang para sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas responsableng kinabukasan, isang patunay ng patuloy na misyon at paglilingkod ng Holy Cross College sa loob ng walong dekada.


Address

Sta. Lucia, Sta. Ana
Pampanga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vanguard for Environmental Responsibility and Development Excellence posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share