11/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tinatawag na Anti-EPAL Policy, ako po ay naglalabas ng agarang direktiba sa lahat ng tanggapan, departamento, at opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Brookeโs Point na tiyaking ganap na nasusunod at naipatutupad ang lahat ng alituntunin laban sa anumang uri ng personal na pagpapakilala o paglalagay ng larawan, o anumang marka ng indibidwal sa mga proyektong pinondohan ng pondo ng bayan.
Ang serbisyo publiko ay hindi dapat ginagamit para sa pansariling promosyon. Ang bawat proyekto, programa, at serbisyong ipinagkakaloob ng ating pamahalaan ay bunga ng buwis at tiwala ng taumbayanโhindi pag-aari ng sinuman, kundi pagmamay-ari ng sambayanan.
Bilang inyong Punong-Bayan, ako mismo ang mangunguna sa pagsunod at pagpapatupad ng patakarang ito. Inaatasan ko ang lahat ng kinauukulan na agad magsagawa ng internal review sa mga kasalukuyang proyekto, signages, tarpaulin, at iba pang materyales upang matiyak na walang paglabag sa itinakdang polisiya. Ang sinumang mapapatunayang lalabag ay pananagutin alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
Naniniwala ako na ang tunay na liderato ay nasusukat hindi sa dami ng nakapaskil na pangalan, kundi sa kalidad ng serbisyong naibibigay. Mas mahalaga ang integridad kaysa sa pagkilala, at mas mahalaga ang resulta kaysa sa papuri.
Sa Brookeโs Point, malinaw ang ating paninindigan:
๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข. ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง.
Patuloy po tayong magtulungan upang mapanatili ang isang pamahalaang tapat, malinis, at tunay na nagsisilbi para sa lahat.
Maraming salamat at mabuhay ang Brookeโs Point.
๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐.
๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ
Para sa iba pang impormasyon at balita:
๐ I-like at sundan ang mga kaganapan sa ating official FB page: Municipal Information Office - LGU Brooke's Point