22/04/2020
FYI
MGA PAALALA SA MGA OFWs NA GUMAGAMIT NG 2GO VESSEL BILANG QUARANTINE SHIPS
1. Ang accommodation para sa 14-day na pamamalagi sa loob ng Quarantine Ships ay LIBRE.
2. Ang 2GO ang nagluluto upang mapakain ng regular ang mga OFWs sa barko. Ang bayarin sa pagkain na PhP180 para sa breakfast, lunch at dinner, ay sagot ng mga manning/recruitment agencies. Nag-boluntaryo din ang OWWA na sila ang magbabayad ng pagkain ng mga OFWs kung sakaling hindi sagutin ng manning/recruitment agency. Noong nakaraang Huwebes, nagbigay din ng direktiba si DOTr Secretary Arthur Tugade na kung sakaling mayroon pa ring problema, sagutin muna pansamantala ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) ang pagkain ng mga OFWs.
3. LIBRE na rin ang tubig para sa lahat ng Quarantine Ships.
4. Nagtayo rin ng charging stations ang 2GO para magamit ng ating mga kababayan.
5. Sa tulong naman ng Department of Tourism (DOT), namimigay din ng face masks at hygiene kits sa mga OFWs sa loob ng barko.
6. Ibinaba rin ng 2GO ang presyo ng mga bilihin sa kanilang mini-mart, upang maging lubhang mas mababa kesa sa standard na presyo nito sa barko bago pa man ipatupad ang ECQ. Ito ang ilan sa mga halimbawa:
- Coffee: from P30 to P15 (50% lower)
- Chocolate drink: from P30 to P18 (40% off)
- Cup Noodles: from P40 to P25 (38% off)
7. Mas pinaigting din ng 2GO at PCG, katuwang ang PPA at MARINA, ang pagpapanatili ng social distancing sa loob ng barko.
- Kahit na 1,988 passengers ang capcity ng M/V St. John Paul II, nasa 400 katao lamang ang tinanggap nito.
- Para sa mga cluster na may apat (4) bunks, dalawang (2) bunks lamang ang occupied ng pasahero.
- Ang mga silya at lamesa sa dining hall ay nakahiwalay din ng tig-isang (1) metro.
- Dalawang (2) tao lamang ang pinapayagang gumamit ng shared restrooms na kayang mag-accommodate ng limang (5) tao.
8. Nagpatupad din ang 2GO ng mas pinaigting na paglilinis at pag-disinfect sa loob ng Quarantine Ships. Ito ang ilan sa kanilang mga hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng barko:
Every 30 minutes
- Sanitation of touchable hard surfaces such as handrails, doorknobs, tabletops and counters with 100 ppm chlorine solution.
- Deep cleaning and sanitation of common toilets and bath.
Every Hour
- Cleaning and sanitation of public areas such as dining halls, front desk, quikmart every hour.
Twice a day
- Doctors/Medical Staff Consultation hours are being observed. They conduct rounds to repatriates in all areas. Medical records are maintained. Officers and crew are also encouraged to seek medical consultation as a precautionary measure.
Weekly
- Pest control treatment covers all areas from galley, accommodations, dining areas, officers and crew quarters including wagon decks.
🇵ðŸ‡