Samahang Laban sa Pangisdang Bawal

Samahang Laban sa Pangisdang Bawal Welcome to Official page of Samahang Laban sa Pangisdang Bawal - SALAPANGBA

Tingnan:Noong April 29, 2026, Ang SALAPANGBA ay nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation upang masiguro na walang illegal ...
13/05/2026

Tingnan:
Noong April 29, 2026, Ang SALAPANGBA ay nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation upang masiguro na walang illegal na pangingisda sa katubigang sakop ng Odiongan.
πŸ‘‰ Layunin din ng operasyon na matiyak ang kaligtasan ng ating mga mangingisda.
πŸ“’ Paalala sa lahat ng mangingisda: magparehistro o mag-renew ng inyong bangka at gamit pangisda upang maiwasan ang paglabag sa ating batas pangisdaan.
🀝 Sama-sama nating pangalagaan ang ating yamang dagat para sa masaganang kinabukasan!

Tingnan:Matagumpay na naisagawa ang Fish Stock Enhancement Activity ng Samahang Laban sa Pangisdang Bawal (SALAPANGBA) n...
13/05/2026

Tingnan:
Matagumpay na naisagawa ang Fish Stock Enhancement Activity ng Samahang Laban sa Pangisdang Bawal (SALAPANGBA) ngayong Mayo 13, 2026, isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan ng pangisdaan sa bayan ng Odiongan.

Ang paglalagay ng 11,000 fingerlings sa tatlong barangay β€” Tabobo-an, Bangon, at Progreso Weste β€” ay hindi lamang nagdaragdag ng suplay ng isda kundi nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng komunidad.

Ito ay isang magandang halimbawa ng community-driven conservation, kung saan sama-samang kumikilos ang sambayanan para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
πŸ’™ Sama-sama nating itaguyod ang masaganang kinabukasan ng ating pangisdaan!
-Odiongan

Tingnan: April 20, 2026Isang ulat ang natanggap ng Municipal Agriculture Office mula sa isang mangingisda na si G. Leoni...
23/04/2026

Tingnan: April 20, 2026

Isang ulat ang natanggap ng Municipal Agriculture Office mula sa isang mangingisda na si G. Leonilo Kho ng Sitio Marigold, Budiong, Odiongan, Romblon, hinggil sa pagkakakita niya ng isang patay na dolphin.

Agad namang nagsagawa ng validation ang grupo ng SALAPANGBA kasama ang kinatawan ng Odiongan MENRO kaugnay ng nasabing ulat. Sa isinagawang pagsusuri, natagpuan ang isang babaeng dolphin na may habang humigit-kumulang 1.60 metro at may sukat na 85 sentimetro ang circumference ng katawan. Ang nasabing dolphin ay nasa advanced stage na ng decomposition, subalit nananatiling buo ang lahat ng bahagi ng katawan nito.

Isang paalala sa ating lahat na patuloy nating pangalagaan ang ating yamang dagat. Sa oras na may mapansing kahalintulad na insidente, hinihikayat ang lahat na agad itong ipagbigay-alam sa mga kinauukulan upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

26/03/2026
🐬 SALAPANGBA in ActionNoong March 25, 2026, isang dolphin ang namataan sa dalampasigan ng Brgy. Poctoy. Agad itong ini-r...
26/03/2026

🐬 SALAPANGBA in Action

Noong March 25, 2026, isang dolphin ang namataan sa dalampasigan ng Brgy. Poctoy. Agad itong ini-report ng isang personnel mula sa PNP-Maritime sa Municipal Agriculture Office at ipinagbigay-alam sa Samahan. Pinuntahan ng grupo ang lugar, ngunit dahil sa lakas ng alon at agos, hindi na muling nakita ang dolphin.

Noong March 26, 2026, isang ulat ang natanggap mula sa dating Bantay-dagat sa katauhan ni G. Janner Fruelda na may natagpuang dolphin sa baybayin ng Sitio Mapa, Barangay Libertad, Odiongan, Romblon at agad rumesponde ang grupo sa nasabing lugar at natagpuan ang isang sugatang babaeng spinner dolphin na may habang 6 na talampakan at may bilog na 870 sentimetro.

Sa tulong ng Philippine Coast Guard, PNP-Maritime, BFAR FLEO, Bantay-Dagat, MFARMC, at LGU Odiongan, Municipal Agriculture Office, ang nasabing dolphin ay maayos na nailibing.

πŸ™ Paalala sa lahat:
Kung may makita pong ganitong insidente sa ating baybayin, agad po itong i-report sa inyong barangay at sa mga kinauukulang ahensya upang mabigyan ng agarang aksyon.

Noong Marso 15, 2026, alas 7:00 ng umaga, sa loob ng Libertad Fish Sanctuary sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon, is...
15/03/2026

Noong Marso 15, 2026, alas 7:00 ng umaga, sa loob ng Libertad Fish Sanctuary sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon, isang patay na green sea turtle (Chelonia mydas) ang natagpuan sa mangrove area. Ang naturang pagong ay may sukat na 48 sentimetro ang lapad, 60 sentimetro ang haba, at tinatayang may bigat na humigit-kumulang 50 kilo.

Ang insidente ay unang nakita ni G. Randy Fabicon, isang residente ng lugar, na agad na nag-ulat sa Bantay Dagat ng Libertad. Matapos matanggap ang ulat, agad na kumilos ang mga miyembro ng SALAPANGBA mula sa Philippine Coast Guard at bantay dagat sa katauhan ni Ginoong Rogelio De Juan upang tugunan ang sitwasyon.

Sa ilalim ng instruksyon ni Gng. Sheila Forlales mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), isinagawa ang tamang proseso ng pag-asikaso sa labi ng pagong. Ang operasyon ay pinangasiwaan at tinulungan ng Agricultural Technologist na nakatalaga sa Fisheries, Gng. Salvame Gaac, upang matiyak na ang paglibing ay naisagawa nang maayos at alinsunod sa itinakdang pamantayan.

Ang pangyayaring ito ay muling nagpapaalala sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga endangered species gaya ng green sea turtle. Ang mabilis na pagtugon ng komunidad, mga lokal na bantay-dagat, at kaukulang ahensya ay nagpapakita ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan at marine biodiversity ng Libertad Fish Sanctuary.

TINGNAN: February 10–12, 2026, kasama ang mga miyembro ng Samahang Laban sa Pangisdang Bawal (SALAPANGBA) nagsawaga tayo...
14/02/2026

TINGNAN: February 10–12, 2026, kasama ang mga miyembro ng Samahang Laban sa Pangisdang Bawal (SALAPANGBA) nagsawaga tayo ng Information and Education Campaign (IEC) at sawayang gear inspection para sa mga mangingisda sa ating munisipyo.

Layunin ng aktibidad na ma-regulate ang paggamit ng fine mesh nets at itaguyod ang responsableng pangingisda para sa pangmatagalang kabuhayan at pangangalaga sa yamang-dagat.

LOOK: January 31, 2026, eleven (11) green sea turtles (Chelonia mydas) were released in Barangay Panique, led by the Ban...
01/02/2026

LOOK: January 31, 2026, eleven (11) green sea turtles (Chelonia mydas) were released in Barangay Panique, led by the Bantay Dagat President and barangay officials.

TINGNAN: January 26, 2026. Nagsagawa ang SALAPANGBA ng Coastal Cleanup sa Batiano Coastal Area.Ito ay buwanang aktibidad...
27/01/2026

TINGNAN: January 26, 2026. Nagsagawa ang SALAPANGBA ng Coastal Cleanup sa Batiano Coastal Area.

Ito ay buwanang aktibidad na layuning mapanatili ang kalinisan ng baybayin, mabawasan ang basurang napupunta sa dagat, at maprotektahan ang yamang-dagat laban sa polusyon.

31/12/2025

Happy New Year!!!

Address

Odiongan
5505

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Laban sa Pangisdang Bawal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share