Anak ng Anahao

Anak ng Anahao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anak ng Anahao, Community Center, Odiongan.

30/08/2023

Room for rent available this September na.
Location: Budiong, sa may BRB tabi ng hapee balee

-Good for 2 person
- Shared Kitchen and CR
- Free electricity and water
- Free wifi

Pm lang po

24/02/2023

KitaKits po tayo Bukas mga KaBarks.

2nd Odiongan Dog Fun Walk
"DOG WALK TO SUNSET"

February 25, 2023 Saturday 4pm

Odiongan Public Plaza

Libre po ang pagsali!

Kailangan lang po ang mga sumusunod:

- magdala ng tubig inumin at pagkain ng inyong a*o.
-paper bag o p**p bag para mapulot ang dumi ng ating mga a*o.
"A*O MO,PULOT MO" rule
-dalawang a*o lang ang hawak ng isang tao para sa SMALL DOGs at isang a*o lang ang hawak ng tao para sa MEDIUM at LARGE breeds.
-maglagay ng busal sa a*ong ALAM NG MAY-ARI na may pagkaagresibo.
-iwasang magkalat sa paligid ng Plaza at sa mga lugar na lalakaran natin at ng mga a*o natin papuntang Ligaya Boulevard.
-HUWAG magdadala ng a*ong INHEAT o NIREREGLA.
-makinig sa instructions ng mga coordinators para sa ating health protocols.

Magkita-kita po tayong lahat bukas!

06/05/2022

Sa mga Kapatid at Kabayan kong Odionganon
alam kong naging mahaba ang proseso ng kampanya para sa parating na eleksyon sa Lunes. Malalalim na opinyon at mabibigat na emosyon ang naging paraan para makapagpahayag ng ukol sa isyu ng pagpili ng mga bagong lider.
Ako po ay nagpapasalamat sa inyong lahat sa pagkakataon na makasalamuha at makausap kayo at marinig ang inyong mga kabigatan sa inyong kumonidad.
Kaya nga po naisulat ko ang 8 Points Agenda to Prosperity o Walong Puntos sa Pag Unlad ng Odiongan. Na ang bawat puntos sa walong naisulat ay makakatalakay sa iba't ibang aspeto ng problema sa ating Bayan.
Sana po ay napag aralan nyo din ang aking Agenda o Plataporma para sa lahat ng Anak ng Odiongan.

Sa nakalipas na apat na pung araw na pangangampanya ako po ay sumunod sa itinakdang batas ng Comelec. Hindi po ako gumastos ng labis, o nanira ng tao o pagkatao.
Lumaban po ako ng walang dalang malaking pangalan. Hindi ako sumanib sa partido na sya rin sumusuway sa batas ng eleksyon.
Pananampalataya at Pag Galang sa Batas ang tanging panlaban ko para hindi ako tawaging TRAPO.

Ngayon... samahan po ninyo ako sa paggawa ng HISTORY sa bayan ng Odiongan. Ipanalo natin ang kandidatong WALANG PERA, WALANG PARTIDO at WALANG PANGALAN.
(at wala ding poster 😁)
Ipakita nating lahat na sa ating mga Odionganon maguumpisa ang pagbabago.
Kung naipakita nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbili ng boto ay ipakita din natin na ang TUNAY NA KAPANGYARIHAN ay nasa Taong Bayan (People Power). Na nasa ating mamamayan ang Kapangyarihan na pumili ng lider na HINDI MAGBEBENTA NG KALULUWA SA SISTEMA.

ODIONGANON TAYO.
MASIPAG, MALAYA at may PANANAMPALATAYA sa HUSTISYA ng Buhay na Diyos.
Walang Takot na Lumaban at Magsisikap na Manalo sa Buhay.
Ipanalo natin ang Bayan Nating Mahal.

Pagpalain Nawa ng Diyos ang ating Bayan at ang ating Bansa sa Pangalan ni Jesus.







Buster: "Boss... Hindi ka napili ng INC.Mukhang mapapaBuduts ka talaga...dapat naka FB Live para may impak"Me: "...hindi...
04/05/2022

Buster: "Boss... Hindi ka napili ng INC.
Mukhang mapapaBuduts ka talaga...
dapat naka FB Live para may impak"

Me: "...hindi ako magpapakain sa SISTEMA!!!"

😆😁😅😂



17/04/2022

Kung nagsasawa na po kayo sa Politika...
Ako si Deo Fausto, Numero Otso , tumatakbo para Konsehal sa Bayan ng Odiongan nang
Walang Pera pero may Puso.
Walang Partido pero may Plano.
Walang Pangalan pero may Pangarap para sa Odiongan.

Samahan po ninyo ako na maabot ang mga Agendang ito na aking ilalatag na makakatulong upang makarating tayo at ang ating Mahal na Bayan sa Tunay at Pang Matagalan na Kaunlaran.


Ang aking Walong Agenda para sa Kaunlaran ng Bayan ng Odiongan -

#1 Self Sufficient-

Ang magkaroon ng KAKAYAHAN na Makapag Tanim at Umani ng sapat na Produksyon para sa Pang Sariling kunsumo ng mga tao sa ating bayan. Pag papalakas sa Agrikultura ang lunas. Tulad ng Pagtatanim ng mga Pagkaing Halaman at
mga Bungang Kahoy,
Pagpo - Poultry at
Pag gawa ng mga Fish Ponds sa bawat estratehikong Barangay

#2 Mahusay na Serbisyong Pangkalusugan -

Mapalad ang Odiongan na ito ay may Provincial Hospital na kayang takbuhin sa loob lamang ng ilang minutong biyahe. Sulitin natin ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas na makakatulong upang mapatatag at mas maging mahusay ang mga serbisyo na maibibigay sa taong bayan na maka - pagliligtas pa sa mas maraming buhay.

#3 Mapag Ingat sa Kalikasan -

Magtakda ng mga batas at ordinansa na magtuturo sa mga tao ( pamilya., komunidad at Sektor ng mga Negosyante ) na Protektahan at Pangalagaan ang ating Kapaligiran at nang itoy Mapakinabangan at Mapagkakitaan.

#4 Aktibong mga Kabataan -

Ang Odiongan ay biniyayaan ng mga mahuhusay at talentadong mga kabataan. Malaking tulong ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na makiisa sa pag-abot sa layunin ng Kaunlaran ng ating bayan.

#5 Maayos na daloy ng Kita at Pera -

Ang Odiongan ay masasabing Cash Society. Ang lahat ng kalakalan at industriya, karamihan, ay gumagamit ng Cash. Samakatuwid mayroong pangangailangan sa seguridad at balanseng Pag Daloy ng salapi sa loob ng sa Bayan at Munisipyo.

#6 Maayos na Daloy ng Trapiko -

Bilang sentro ng Romblon ang Odiongan ay kadalasang dinarayo ng mga tao kayat maraming mga sasakyan ang pumapa*ok dito. Ang Trapiko sa Daan ay nagiging malaking sagabal sa mga taong may mga dalang kalakal o mga angkat na produkto. Kakailanganin nating gumawa ng mga seryosong hakbang., mga Programa at Disiplina para malabanan ang problema sa kalsada.

#7 Propesyonal at Pagkakasundo ng mga Negosyante at Lokal na Pamahalaan -

Palakasin ang pagtutulungan at ang Diwa ng Pamilya sa loob ng Kalakalan at Industriya at sa mga Lingkod Bayan dahil ito ang mismong pundasyon ng Munisipalidad tungo sa Paglago at Kaunlaran.

#8 Pagbibigay Gantimpala sa Pinaka Mahusay na Barangay, Grupo, Tao o Isang Ideya -

Ang Kaunlaran ay isang Pagkilala sa Tagumpay. Nararapat lamang na Kilalanin ang bawat Tagumpay ng Lahat ng kasangkot sa pag-abot sa Layunin ng Kaunlaran.







Ang aking Walong Agenda para sa Kaunlaran ng Bayan ng Odiongan -  #1 Self Sufficient-Ang magkaroon ng KAKAYAHAN na Makap...
11/04/2022

Ang aking Walong Agenda para sa Kaunlaran ng Bayan ng Odiongan -

#1 Self Sufficient-

Ang magkaroon ng KAKAYAHAN na Makapag Tanim at Umani ng sapat na Produksyon para sa Pang Sariling kunsumo ng mga tao sa ating bayan. Pag papalakas sa Agrikultura ang lunas. Tulad ng Pagtatanim ng mga Pagkaing Halaman at
mga Bungang Kahoy,
Pagpo - Poultry at
Pag gawa ng mga Fish Ponds sa bawat estratehikong Barangay

#2 Mahusay na Serbisyong Pangkalusugan -

Mapalad ang Odiongan na ito ay may Provincial Hospital na kayang takbuhin sa loob lamang ng ilang minutong biyahe. Sulitin natin ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas na makakatulong upang mapatatag at mas maging mahusay ang mga serbisyo na maibibigay sa taong bayan na maka - pagliligtas pa sa mas maraming buhay.

#3 Mapag Ingat sa Kalikasan -

Magtakda ng mga batas at ordinansa na magtuturo sa mga tao ( pamilya., komunidad at Sektor ng mga Negosyante ) na Protektahan at Pangalagaan ang ating Kapaligiran at itoy Mapakinabangan at Mapagkakitaan.

#4 Aktibong mga Kabataan -

Ang Odiongan ay biniyayaan ng mga mahuhusay at talentadong mga kabataan. Malaking tulong ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na makiisa sa pag-abot sa layunin na Kaunlaran ng ating bayan.

#5 Maayos na daloy ng Kita at Pera -

Ang Odiongan ay masasabing Cash Society. Ang lahat ng kalakalan at industriya, karamihan, ay gumagamit ng Cash. Samakatuwid mayroong pangangailangan sa seguridad at balanseng Pag Daloy ng salapi sa loob ng Bayan at Munisipyo.

#6 Maayos na Daloy ng Trapiko -

Bilang sentro ng Romblon ang Odiongan ay kadalasang dinarayo ng mga tao kayat maraming mga sasakyan ang pumapa*ok dito. Ang Trapiko sa Daan ay nagiging malaking sagabal sa mga taong may mga dalang kalakal o mga angkat na produkto. Kakailanganin nating gumawa ng mga seryosong hakbang., mga Programa at Disiplina para malabanan ang problema sa kalsada.

#7 Propesyonal at Pagkakasundo ng mga Negosyante at Lokal na Pamahalaan -

Palakasin ang pagtutulungan at ang Diwa ng Pamilya sa loob ng Kalakalan at Industriya at sa mga Lingkod Bayan dahil ito ang mismong pundasyon ng Munisipalidad tungo sa Paglago at Kaunlaran.

#8 Pagbibigay Gantimpala sa Pinaka Mahusay na Barangay, Grupo, Tao o Isang Ideya -

Ang Kaunlaran ay isang Pagkilala sa Tagumpay. Nararapat lamang na Kilalanin ang bawat Tagumpay ng Lahat ng kasangkot sa pag-abot sa Layunin ng Kaunlaran.






Samahan po ninyo ako na maabot ang mga Agendang ito upang makarating tayo at ang ating Mahal na Bayan sa Tunay at Pang Matagalan na Kaunlaran.



Vote wisely and prayerfully.
11/04/2022

Vote wisely and prayerfully.

Maraming salamat sa isang Magiting na gabi para sa mga lokal na kandidato ng Odiongan, sa mga Organizers, Moderators at ...
09/04/2022

Maraming salamat sa isang Magiting na gabi para sa mga lokal na kandidato ng Odiongan, sa mga Organizers, Moderators
at sa Phil. Nat. Police (PNP) sa naganap na KAUNA UNAHANG
Local Candidate Forum dito sa ating bayan.






Kumakasa hindi
Kasa Kasa.

Local Candidates Forum.Imbitasyon Para sa Lahat ng Odionganon ! ! !Ang Inyo pong Lokal na mga Kandidato, magmula Mayor h...
04/04/2022

Local Candidates Forum.

Imbitasyon Para sa Lahat ng Odionganon ! ! !

Ang Inyo pong Lokal na mga Kandidato, magmula Mayor hanggang sa mga Sangguniang Bayan, ay personal na maglalatag ng kani-kanilang mga plataporma at mga plano para sa ating Bayang Palangga.
Maririnig din ang mga Sagot nila sa mga Tanong na may kinalaman sa Issue ng ating Bayan.
Ito po gaganapin sa Public Plaza Alas Sais (6pm) ng Gabi sa Araw ng Katigingan, April 9, 2022.

Sana po ay mabigyan natin ng oras na mapanood ang Kauna-unahang Local Candidates Forum dito sa Odiongan.





Address

Odiongan
5505

Telephone

+639990020806

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anak ng Anahao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share