Looc Rural Health Unit

Looc Rural Health Unit Looc Rural Health Unit is a primary health care facility that provides basic health services

Mas pinalalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng Looc, Occidental Mindoro sa pamamagitan ng pagpapatup...
29/05/2026

Mas pinalalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng Looc, Occidental Mindoro sa pamamagitan ng pagpapatupad ng PuroKalusugan. ๐Ÿ’™

Layunin ng programang ito na mas mapalakas ang pangangalaga sa kalusugan sa bawat purok sa pamamagitan ng mas maagang konsultasyon, health education, disease prevention, at mas mabilis na pag-abot ng serbisyong medikal sa komunidad. Bahagi ito ng Universal Health Care (UHC) Act at ng 8-Point Action Agenda ng Department of Health (Philippines).

Kasama ang bawat barangay at mamamayan, patuloy nating itataguyod ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na Looc para sa lahat.

RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. ๐Ÿ๏ธ

Patuloy ang agarang aksyon at mahigpit na koordinasyon ng RHU Looc kasama ang PDOHO, PHO at LGU para sa Ambil Tabao. Isi...
29/05/2026

Patuloy ang agarang aksyon at mahigpit na koordinasyon ng RHU Looc kasama ang PDOHO, PHO at LGU para sa Ambil Tabao.

Isinasagawa ang kaukulang surveillance, monitoring, health education, at kinakailangang intervention upang mapanatiling ligtas ang komunidad.

Patuloy po nating pairalin ang pakikiisa, maagap na pagreport, at pagsunod sa mga payong pangkalusugan para sa kapakanan ng lahat.

Ifollow ang aming page : Looc Rural Health Unit para sa iba pang mga anunsiyo at aktibidad.

RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. ๐Ÿ๏ธ

๐Ÿ“ฃ MAGKAKAROON NG PHILHEALTH YAKAP GRAND CARAVAN sa Looc RHU sa darating na June 3! ๐Ÿ’™โฐ8:00am - 5:00pm๐Ÿ“ŒLooc Municipal Gymn...
28/05/2026

๐Ÿ“ฃ MAGKAKAROON NG PHILHEALTH YAKAP GRAND CARAVAN sa Looc RHU sa darating na June 3! ๐Ÿ’™

โฐ8:00am - 5:00pm
๐Ÿ“ŒLooc Municipal Gymnasium

Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa at samantalahin ang pagkakataong maasikaso ang inyong PhilHealth membership, records, at iba pang kaugnay na serbisyo sa isang araw na puno ng tulong at malasakit para sa bawat mamamayan.

Upang maging mas mabilis at maayos ang proseso, mangyaring dalhin ang mga sumusunod:
โœ”๏ธ Birth Certificate
โœ”๏ธ Marriage Certificate (kung kasal)
โœ”๏ธ Valid ID

Hinihikayat ang lahat na maagang pumunta at siguraduhing kumpleto ang requirements upang maiwasan ang abala. Ang programang ito ay naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan at PhilHealth services sa ating komunidad.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo o makipag-ugnayan sa Looc RHU. Kita-kits po tayo sa June 3! ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ“ข ABISO SA PUBLIKOWalang konsultasyon bukas dahil sa pagdiriwang ng holiday.Tanging mga emergency cases lamang ang tatan...
26/05/2026

๐Ÿ“ข ABISO SA PUBLIKO

Walang konsultasyon bukas dahil sa pagdiriwang ng holiday.
Tanging mga emergency cases lamang ang tatanggapin.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

Ifollow ang aming page : Looc Rural Health Unit para sa iba pang mga anunsiyo at aktibidad.

RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. ๐Ÿ๏ธ

Sa bawat sindi ng kandila, may kwento ng pag-ibig, pagkawala, at pag-asa. Ang RHU Looc ay buong pusong nakikiisa sa Inte...
22/05/2026

Sa bawat sindi ng kandila, may kwento ng pag-ibig, pagkawala, at pag-asa. Ang RHU Looc ay buong pusong nakikiisa sa International AIDS Candlelight Memorialโ€”para sa alaala, laban, at kinabukasan na walang stigma.

Bukas ang aming tanggapan para sa HIV testing at counselling. Sama-sama sa pag-asa, kaalaman, at malasakit.

Stigma and discrimination remain barriers to HIV testing, treatment, and care.We can all help end HIV stigma by choosing...
20/05/2026

Stigma and discrimination remain barriers to HIV testing, treatment, and care.

We can all help end HIV stigma by choosing compassion, learning the facts, and speaking up against discrimination.

๐Ÿ“ฃAnunsyo mula sa Looc RHU!Narito ang aming iskedyul ng mga serbisyong pangkalusugan ngayong linggo (May 18- May 21, 2026...
18/05/2026

๐Ÿ“ฃAnunsyo mula sa Looc RHU!
Narito ang aming iskedyul ng mga serbisyong pangkalusugan ngayong linggo (May 18- May 21, 2026). ๐Ÿ’™
๐Ÿฉบ Lunes โ€“ General Medical Check-up
๐Ÿ‘ถ Martes โ€“ Pedia Medical Check-up
๐Ÿคฐ๐Ÿป Miyerkules โ€“ Buntis Day (RHU)
๐Ÿฉบ Huwebes โ€“ Barangay Clean-up Drive: Ambil Tabao
๐Ÿฉบ Biyernes โ€“ General Medical Check-up

๐Ÿ“Œ Paalala:
Available po ang mga sumusunod sa RHU
โœ…laboratory tests (CBC, UA, Crea, Uric etc)
โœ…Xray

Ifollow ang aming page : Looc Rural Health Unit para sa iba pang mga anunsiyo at aktibidad.

RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. ๐Ÿ๏ธ

๐ŸšจPaalala: Wala tayong kumpirmadong kaso ng Japanese Encephalitis sa LOOC, Occidental Mindoro, ngunit mahalagang maging m...
18/05/2026

๐ŸšจPaalala: Wala tayong kumpirmadong kaso ng Japanese Encephalitis sa LOOC, Occidental Mindoro, ngunit mahalagang maging maalam at handa para sa kaligtasan ng lahat.

๐‰๐€๐๐€๐๐„๐’๐„ ๐„๐๐‚๐„๐๐‡๐€๐‹๐ˆ๐“๐ˆ๐’ (๐“Ÿ๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ฐ๐“ช ๐“ท๐“ฐ ๐“ค๐“ฝ๐“ช๐“ด)
Ang ๐‰๐š๐ฉ๐š๐ง๐ž๐ฌ๐ž ๐„๐ง๐œ๐ž๐ฉ๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ay isang hindi karaniwan at matinding impeksyon na dulot ng ๐‰๐š๐ฉ๐š๐ง๐ž๐ฌ๐ž ๐„๐ง๐œ๐ž๐ฉ๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ๐•๐ข๐ซ๐ฎ๐ฌ. Ang virus na ito ay nagmumula sa lamok na ๐‘ช๐’–๐’๐’†๐’™ ๐’•๐’“๐’Š๐’•๐’‚๐’†๐’๐’Š๐’๐’“๐’‰๐’š๐’๐’„๐’‰๐’–๐’” na laganap sa mga ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐›๐š๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ง, at ๐ฆ๐š๐ซ๐ฎ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ๐š๐ง.
๐Œ๐ ๐š ๐’๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ฌ:
โ€ข Sakit ng ulo
โ€ข Lagnat
โ€ข Pagkaantok
๐’๐š ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐จ:
โ€ข Paninigas ng leeg
โ€ข Pagkawala sa sarili
โ€ข Kombulsyon (seizures)
๐๐š๐š๐ง๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐š๐ค๐ฎ๐ค๐ฎ๐ก๐š?
Naipapasa ito sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na may dalang virus na nagmumula sa infected na mga baboy at ibong-tubig.
๐๐š๐š๐ง๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฆ๐š๐ข๐ข๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง?
โ€ข Magpahid ng insect repellent
โ€ข Maglagay ng screen sa mga pintuan at bintana
โ€ข Magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas
โ€ข Alisin ang mga naipong tubig sa paligid ng bahay
โ€ข Gumamit ng insecticide spray at suportahan ang fogging/misting.
โ€ข Gumamit ng kulambo habang natutulog
๐๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š:
Upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa Japanese Encephalitis, mahalagang sundin ang mga tamang hakbang sa pag-iwas at magpabakuna. Tandaan na ang sakit na ito ay hindi nakahahawa mula sa tao patungo sa tao at wala pa ring tiyak na lunas, kayaโ€™t ang pag-iwas ang pinakamabisang proteksyon.
๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Ž๐ค๐ฌ๐ข๐Œ๐ข๐ง, ๐๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง!

๐Ÿ“ฃAnunsyo mula sa Looc RHUPara sa agarang tulong medikal, makipag-ugnayan sa Looc RHU Emergency Hotline. Nandito kami par...
18/05/2026

๐Ÿ“ฃAnunsyo mula sa Looc RHU

Para sa agarang tulong medikal, makipag-ugnayan sa Looc RHU Emergency Hotline. Nandito kami para sa inyo, anumang oras.

RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla.

๐™„๐™ฌ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™›๐™ก๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™–-๐™‡๐™ž๐™ ๐™š ๐™„๐™ก๐™ก๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ! ๐Ÿคง๐ŸฉบDahil sa pabago-bagong panahon at pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar, ma...
15/05/2026

๐™„๐™ฌ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™›๐™ก๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™–-๐™‡๐™ž๐™ ๐™š ๐™„๐™ก๐™ก๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ! ๐Ÿคง๐Ÿฉบ

Dahil sa pabago-bagong panahon at pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar, mas tumataas ang panganib ng pagkalat ng mga sakit tulad ng Influenza-like Illness (ILI).

Mahalagang maging maingat at alamin ang mga paraan upang makaiwas sa pagkahawa. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at mga hakbang na dapat gawin upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa sakit.

Ugaliing magsuot ng mask kung kinakailangan, maghugas ng kamay, umiwas sa matataong lugar kung may sintomas, at agad magpakonsulta kapag hindi maganda ang pakiramdam.

Ang pag-iingat ngayon ay proteksyon para sa kalusugan ng lahat. ๐Ÿ’™





14/05/2026

โ€ผ๏ธ6 SA 10 PINOY, AYAW UMINOM NG HYPERTENSION MAINTENANCE; DOH, NAGBABALA SA PANGANIB NITOโ€ผ๏ธ

Address

Tarriela Street , Brgy. Guitna, Looc
Occidental Mindoro
5111

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Looc Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share