13/08/2026
| August 14, 2026 Friday
Alinsunod sa Executive Order No. 94, Series of 2026, suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Obando sa Agosto 14, 2026 (Biyernes) dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, posibilidad ng pagbaha, at iba pang mapanganib na kondisyon ng panahon.
➡️WALANG FACE-TO-FACE CLASSES
➡️WALANG ONLINE CLASSES — kabilang ang synchronous at asynchronous learning activities
➡️WALANG MANDATORY ACADEMIC ACTIVITIES
Ipinatutupad ang hakbang na ito upang unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, kawani ng paaralan, at kanilang mga pamilya.
Nakatanggap din ang pamahalaang bayan ng mga concerns patungkol sa intermittent/unstable internet at telecommunications connectivity dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan kaya hindi rin required ang online learning activities.
Pinapayuhan ang lahat na umiwas sa mga baha at mapanganib na lugar at manatiling nakaantabay lamang sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Obando at mga kinauukulang ahensya.
Mag-ingat at manatiling alerto, mga Obandenyo.