06/02/2025
"Sabi nila Sila ay Fratman"
Sabi nila sila ay Fratman...Marami sila
Kung saan saan makikita.
Sabi nila sila ay Fratman.Madalas nilang ipagmalaki at ipagsabi.
Sabi nila sila ay Fratman.Madalas nilang isuot ang kanilang mga "Fratshirt" at tawagin kang "Brod"
Sabi nila sila ay Fratman.Lagi nilang inaabot ang kanilang kamay para makadaupang palad ang tinatawag nilang "Brod"
SABI NILA SILA AY FRATMAN....PERO.
Di nila alam ang bawat talata ng kapatiran.
Di nila naiintindihan ang batas at prinsipyo ng kapatirang pinanggalingan.
Di nila nalalaman ang tunay na diwa at gustong ipahiwatig ng bawat palo na tinamo sa pagpasok sa kapatiran.
Di nila alam ang sinumpaang katapatan at paglilingkod na tinuro ng kapatiran.
SABI NILA SILA AY FRATMAN...Pero ang bawat salita kung wala sa gawa at kaisipan lalo na isapuso.Ay isang talutay na walang saysay
FRATMAN AKO...Madalas ibakumbibig ng lahat..Pero iilan ang tunay at lehitimo.
Dahil kung "FRATMAN KA" ikaw ay handang maglingkod sa Diyos,sa bayan at sa minamahal mong kapatiran.
-AdminGC