Tabang Eskwela

Tabang Eskwela Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tabang Eskwela, Nonprofit Organization, Naga City.

For distribution na po ating school supplies sa lahat ng estudyante ng Sta Cruz, Libon, Albay.Maraming salamat po sa lah...
04/12/2024

For distribution na po ating school supplies sa lahat ng estudyante ng Sta Cruz, Libon, Albay.

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay donasyon.

100pcs ballpens. Maraming salamat po sa donor!
18/11/2024

100pcs ballpens. Maraming salamat po sa donor!

Nanditoooo na ang pangalawang batch ng school supplies. 😊
13/11/2024

Nanditoooo na ang pangalawang batch ng school supplies. 😊

12/11/2024

Naghihintay na lang po tayo ng basic school supplies para sa ating 71 eskwela from Zone 1 Sta Cruz, Libon, Albay.

First ₱1,000 turned to 72 pieces scissors! 😊
09/11/2024

First ₱1,000 turned to 72 pieces scissors! 😊

 Ito ang naging sitwasyon sa Zone 1, Sta Cruz, Libon, AlbayDahil sa nagdaang bagyo, may 100 households sa Zone 1, Sta Cr...
27/10/2024



Ito ang naging sitwasyon sa Zone 1, Sta Cruz, Libon, Albay

Dahil sa nagdaang bagyo, may 100 households sa Zone 1, Sta Cruz ang nahihirapan ngayon at may mga estudyante silang nawalan o nasiraan ng mga kagamitang pang eskwela.

Para sa kanilang muling pagbangon, tayo ay nagiipon ng pambili ng mga gamit pang eskwela.

Ano mang tulong ay may malaking epekto sa pagbabalik eskwela ng mga bata.

27/10/2024

Panawagan para sa ating mga kabataang mag-aaral

Dahil sa Severe Tropical Typhoon Kristine nasira ang dam sa Zone 1, Sta. Cruz, Libon, Albay. Maraming bahay ang binaha na umabot hanggang 4 talampakan ang taas.

Maraming estudyanteng day care hanggang grade 6 ang nawalan ng gamit pang-eskwela. Napakahalaga ng mga kagamitang ito para sa kanilang pag-aaral at maliwanag na kinabukasan.

Naglulunsad kami ng aking kapatid na si Gem Nubla ng fundraising para sa pagbabalik eskwela sa darating na Nobyembre. Ang fundraising na ito ay upang bigyan ng lakas at sigla ang pagbabalik paaralan nang mga bata.

Anumang halaga ng inyong donasyon ay mapupunta sa mga bagong notebook, lapis, ballpen, at iba pang pangunahing kagamitan ng mga estudyante upang sila’y makabangon muli.📚

Paano pwedeng makatulong:
1️⃣ Magbigay ng donasyon kung kaya.
2️⃣ I-share ang post na ito upang mas maraming makaalam.
3️⃣ Mag-sponsor ng mga gamit pang-eskwela para sa isang estudyanteng nangangailangan.

Sama-sama nating ipakita sa mga batang ito na handa tayong umagapay sa kanila, ulan man o araw! 🌧️☀️

Para sa mga katanungan, mag message dito sa page o kaya mag-email sa [email protected].

Mag-send ng donasyon sa GCash
Tabang Eskwela
0938 664 4754

Address

Naga City
4400

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tabang Eskwela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share