Konsehal Santi Mariñas

Konsehal Santi Mariñas Konsehal Santi Mariñas - Mr. Serbisyo Medikal

Saludo po sayo, Kapitan Gerry Teves! 🙌🏻 🫡
14/09/2025

Saludo po sayo, Kapitan Gerry Teves! 🙌🏻 🫡

Tapos na po ang halalan, ngunit hindi matatapos ang aking pasasalamat. Taos-pusong pasasalamat po sa bawat isa na naging...
14/05/2025

Tapos na po ang halalan, ngunit hindi matatapos ang aking pasasalamat. Taos-pusong pasasalamat po sa bawat isa na naging bahagi ng aking paglalakbay.

Sa aking mga kaibigan na naging kasama ko sa ating laban, sa bawat pagod, at sa bawat tagumpay - maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikisama. Kayo ang aking tunay na kayamanan.

Sa aking mga kapitbahay at kababayan na nagbigay ng tulong, pagmamahal, at pagtitiwala - salamat po sa inyong kabaitan at pagtanggap. Kayo po ang tunay na diwa ng ating komunidad.

At sa aking pamilya... ang aking sandalan, aking lakas, at aking inspirasyon. Salamat po sa inyong walang kondisyong pagmamahal, suporta, at sakripisyo. Kayo ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban para sa aking pangarap na makapag lingkod.

At higit sa lahat, sa ating Panginoong Maykapal - salamat po sa buhay, sa lakas, at sa gabay. Salamat po sa pag-iingat at pagmamahal na walang hanggan. Sa Iyo po ang lahat ng papuri at pasasalamat.

Ang inyong mga ngiti, luha, at pagod ay hindi matatawaran.
Mahal ko po kayong lahat! ❤️

3 days to go, Muntinlupa! Para sa tuloy tuloy na Serbisyo Medikal, ⚫️14 - Konsehal Santi Marinas 🙏🏻🩵
09/05/2025

3 days to go, Muntinlupa!

Para sa tuloy tuloy na Serbisyo Medikal, ⚫️14 - Konsehal Santi Marinas 🙏🏻🩵


25/04/2025

Ang mga aral at pag gabay ng aking Ama ay nagsilbing gasolina sa aking puso para maglingkod sa bayan. Pangako ko, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng buhay ng bawat Muntinlupeno. Salamat sa walang sawang pagtitiwala at pagmamahal.


14/04/2025

Ang kalusugan ay karapatan, hindi pribilehiyo. Buhay niyo ay importante. Pagtulungan natin ang isang malusog na bukas, Muntinlupeño.

Pagmamahal sa bawat buhay, malasakit sa bawat komunidad, Serbisyo Medikal ay para sa ating lahat.



Lubos po na nakakataba ng puso ang inyong mga messages at pasasalamat. Kayo po ang aking inspirasyon upang ipagpatuloy n...
12/04/2025

Lubos po na nakakataba ng puso ang inyong mga messages at pasasalamat. Kayo po ang aking inspirasyon upang ipagpatuloy na maipaabot sa mga nangangailangan ang ating Serbisyo Medikal.

30 days to go, Muntinlupeño! 🙏🏻🩵




ALAMIN po natin ang ilan sa mga hangarin na malapit sa puso ni Konsehal Santi Mariñas. • Mas pinadali at pinalawig na “S...
05/04/2025

ALAMIN po natin ang ilan sa mga hangarin na malapit sa puso ni Konsehal Santi Mariñas.

• Mas pinadali at pinalawig na “Serbisyo Medikal” sa bawat barangay

• Pagbuo ng mga programang pangsining at pangpalakasan upang ang mga kabataan ay aktibo at malayo sa bisyo

• Pagsulong ng karagdagang pondo at pag panukala ng PPP o Public and Private Partnership upang mabigyan ng mas malawak na kakayahan ang ating mga pampublikong ospital at health centers

• Magpanukala ng karagdagang insentibo at pribilehiyo sa mga negosyante upang mag negosyo sa Muntinlupa, ito ay magdudulot ng trabaho at hanapbuhay na magpapaunlad ng ating ekonomiya

• Pagtuon sa karagdagang benepisyo ng ating Senior Citizens



Address

Muntinlupa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal Santi Mariñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share