10/06/2024
ANO ANG NANGYAYARI SA PALESTINE AT BAKIT SINUSUPORTAHAN NG MGA KABATAAN ANG LABAN NG MGA PALESTINO?
Naniniwala ang mga kabataan na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang kapag bumagsak ang imperyalismo. Sa bawat bahagi ng mundo na mayroong digmaan, ay hindi mawawala ang presensya ng mga imperyalistang bansa tulad ng Estados Unidos, China, United Kingdom, at kasama ang mga kaalyado nito.
Upang mas maintindihan ang mga kasalukuyang kaganapan, tayo'y magbalik-tanaw sa kasaysayan. Taong 1947 ng ipatupad ng United Nations ang Resolution No. 181, o ang U.N Partition Plan for Palestine, na layong hatiin ang lupain ng Palestine upang bigyang daan ang jewish settlement. Nakasaad dito na 42% ng lupain ang mapupunta sa Arab state ng Palestine at 56% naman ang mapupunta sa Jewish state ng Israel, samantalang ang nalalabing 2% ay sa Jerusalem at Bethlehem na magsisilbing International zone. Ngunit sa kagustuhan ng Israel na kubkubin at sarilihin ang buong lupain, unti-unti nilang inokupa ang mga lupain na nakalaan para sa mga Palestino. Dito makikita na ang karahasan laban sa mga Palestino ay noong 1950's pa nagaganap.
Taong 2023, nang tuluyang pumutok ang digmaan sa pagitan ng Hamas at ng huwad na estado ng Israel, magmula Oktubre noong nakaraang taon hanggang sa ngayon, Milyun-Milyong Palestino ang naging biktima, humigit 37,000 ang pinaslang, at 75% nito ay mga kababaihan at bata.
Kung ilalapat ito sa ating bansa, ito ay maihahalintulad sa ating mga katutubo na sapilitang pinaaalis ng mga naglalakihang korporasyon sa kanilang sariling lupain, ito ay sa tulong naman ng mga ahente ng estado, na walang habas na tinatakot at pinapaslang ang mga nais kumontra sa kanila.
Sinusuportahan ng mga kabataan ang laban ng mga Palestino at ng Sambayanang Pilipino para sa buhay at tunay na kapayapaan, na malaya sa kamay ng mga imperyalistang sumasakal dito.