19/09/2025
Paggunita kay Francisco F. Feliciano, Pambansang Alagad ng Sining sa Musika.
https://www.facebook.com/share/p/1FmC1R3voH/?mibextid=Nif5oz
Binibigyang-pugay natin ngayong araw si Maestro Francisco Feliciano, Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika. Ilan sa kanyang mga naging piyesa ay ang "Sikhay sa Kabila ng Paalam," "La Loba Negra," "Yerma," at "Pamugun." 🎼
Tubong Morong, siya ay kinilala bilang isa sa mga nangungunang kompositor at conductor ng choral at orchestral music sa bansa at sa buong mundo. Pinanday niya ang musika na sumasalamin sa ating kulturang Pilipino at pananampalataya, mula sa entablado hanggang simbahan, mula sa mga awit ng bayan hanggang sa pinakamatataas na konsyerto.
Ang kanyang likha at dedikasyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga Rizalenyo at sa bawat Pilipino na magpahalaga sa sining, musika, at kultura.