22/09/2025
BOSES
ni BB. Irish O. Cubay
Korupsyon ay tapusin, wakasan natin baguhin,
โIbalik ang pera!โ sigaw ng sambayanan natin.
Sawa na kami sa dilim ng kanilang gawain,
Pagdurusa ng masa ay pilit na tinatabingin.
Sa bulsa ng tiwali, yaman ay dumadaloy,
Habang ang mahihirap, dusa ay walang humpay at walang patid na apoy.
Mga pulitikong gahaman, mandarambong ng kaban,
Ginagapos ang bayan sa sarili nilang kasakiman.
Bilyon-bilyon ang nawala, walang bakas.
Walang nananagot, hustisya ay tila isang pangarap na malabo at wasak.
Mga proyektong salita lamang, wala namang gawa,
Mamamayan ang nagdurusa, sila naman ay nagtatamasa.
Ngunit hindi kami papayag, kami ay lalaban,
Saan man sila magkubli, sila ay hahanapin, bubusisiin at hahabulin ng bayan.
Panawagan naming ay โtapat na serbisyo, walang kasinungalingan,
Gobyerong matuwid, may dangal at tunay na paglilingkod sa mamamayan.โ
Protesta ang sigaw, galit ang aming tinig.
Hindi kami susuko, kahit anong pagbaluktot nilang pilit.
Hanggang ang katiwalian ay maglaho sa bawat sulok ng bansa.
At ang dangal ng bayan ay muling bumangon at muling sumigla.
Alam naming hindi perpekto ang pamahalaan,
Ngunit sa prinsipyo at dangal sila ay dapat tumindig na matibay at matapang.
Kami ay nananawagan sa bawat puso at isipan.
โTunay na pagbabago, magsisimula sa bawat mamamayan.โ
Korupsyon ang kalaban, walang kapatawaran,
Hanggang sa mawala, ipagpapatuloy ang laban.
Sama-sama tayo, buhayin muli ang pag-asa,
Upang bayan ay maging tapat, malaya at dakila!
"Rise against corruption, the power of the people is stronger than greed."