09/08/2026
Sa kabila ng masungit na panahon, matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng munting handog para sa 100 nating mga kapatid na senior citizen noong Agosto 8, 2026. ❤️
Isinagawa ang gift-giving na ito sa pakikipagtulungan ng St. Raphael Archangel Parish, Brgy. Cawit, Boac, Marinduque.
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumulong, nagbigay ng suporta, at naging bahagi ng munting misyong ito. Higit sa lahat, maraming salamat po sa Panginoon sa paggabay at sa pagkakaloob sa atin ng isang matagumpay at ligtas na gawain. 🙏
Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng kabutihan at pagmamahal sa ating kapwa. 💙