13/08/2026
#ππ§πππ
π
"Go, Rebuild My Church!"
"Humayo ka at muling itayo ang Aking Simbahan."
Ito ang panawagang ibinigay ng ating Panginoon kay San Francisco ng Assisi halos siyam na raang taon na ang nakalipas. Sa Jubileo ng ika-800 anibersaryo ng Canticle of the Creatures ni San Francisco, nananatiling buhay ang paanyayang itoβisang panawagan hindi lamang sa kanya, kundi sa bawat isa sa atin na nagmamahal sa Simbahan at nagsisikap ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko.
Bilang mga miyembro ng Catholic Faith Defenders Luzon, buong kagalakan naming inaanyayahan ang lahat sa Ikalawang Luzon Convention na may temang:
"Go, Rebuild My Church: The Mission of Faith Defenders Today"
at may mensaheng:
"Beyond Defending β Rebuilding and Strengthening Faith, Families and Communities."
Sa panahon ngayon, laganap ang pagkalito, maling impormasyon, pagdududa, at mga katuruang unti-unting nagpapahina sa pananampalataya ng marami. Dahil dito, ang misyon ng isang Catholic Faith Defender ay hindi nagtatapos sa pagsagot sa mga tanong o pagtatanggol sa katotohanan. Tinatawag din tayong maging mga kasangkapan ng Diyos sa muling pagpapatatag ng pananampalataya, pagpapatibay ng mga pamilya, at pagbubuo ng mga pamayanang nakasandig kay Kristo.
Ang larawang makikita sa ating poster ay nagpapakita ng mga piraso ng puzzle na tila magkakahiwa-hiwalay. Hindi ito nangangahulugang wasak o magulo ang Simbahan. Sa halip, ito ay sumasagisag sa katotohanang bawat isa sa atin ay may natatanging bahagi at tungkulin sa loob ng Katawan ni Kristo. Kapag ang bawat isa ay tumutugon sa kanyang bokasyon nang may katapatan at pag-ibig, unti-unting nabubuo ang isang mas malinaw na larawan ng Simbahang buhay, nagkakaisa, at matatag.
Bawat Catholic Faith Defender ay isang mahalagang piraso ng puzzle. May kanya-kanya tayong kaloob, misyon, at paraan ng paglilingkod, ngunit iisa ang layuninβang makiisa sa gawain ni Kristo sa muling pagpapatatag ng Kanyang Simbahan. Ang pagtatanggol sa pananampalataya ay simula lamang.
Kaya't sama-sama nating tugunin ang panawagan ng Panginoon: "Go, Rebuild My Church!" Maging bahagi tayo ng dakilang misyong ito at hayaang gamitin tayo ng Diyos upang maibalik ang sigla ng pananampalataya sa ating panahon. Magkita-kita tayo sa ika-12 ng Setyembre, 2026, sa Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel, SM North EDSA, at sabay-sabay nating tuparin ang misyong na muling buuin at patatagin ang ating pananampalataya, mga pamilya, at mga pamayananβpara sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos.
Pro Deo et Ecclesia!
REGISTER HERE: https://tinyurl.com/LuzonCon2026