03/06/2026
Maraming salamat sa lahat ng kabataan at matatanda na nakiisa at nakilahok sa mga palaro ng Tapusan 2026. Ang inyong enerhiya, kasiyahan, at pakikipagkaisa ang nagbigay-buhay sa bawat laro at naging dahilan upang maging matagumpay at masaya ang ating programa.
Lubos naming ikinagagalak na makita ang samahan at pagkakapit-bisig ng bawat isa. Ang mga simpleng palaro ay naging daan upang higit pang mapalalim ang ating pagkakaibigan at pagkakaisa bilang isang komunidad.
Muli, maraming salamat sa inyong panahon, suporta, at pakikilahok. Hangad namin na makasama pa rin namin kayo sa mga susunod na gawain at pagdiriwang ng ating Capilla de San Jose.
Mula sa mga Kapataang Kapisan ng ating Capilla at ng SKB2, maraming salamat po! β€οΈ