31/08/2025
Magandang araw po sa inyong lahat!
Sa ngalan po ng aming samahan, taus-puso kaming nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap at paanyaya ninyo sa napakagandang selebrasyon ng inyong Patronal Fiesta. Isa pong malaking karangalan na maging bahagi ng inyong masaya at makabuluhang pagdiriwang na hindi lamang nagpapakita ng kasayahan, kundi higit sa lahat, ng pananampalataya at pagkakaisa ng inyong komunidad.
Ang fiesta ay hindi lamang pagtitipon, kundi patunay na ang bawat isa ay nagkakaisa sa pag-alala at pagpupugay sa ating Patron na siyang gumagabay at nagbabantay sa atin. Ang ganitong okasyon ay nagbibigay inspirasyon at nagpapatibay ng ating pananampalataya at samahan bilang magkakapatid kay Kristo.
Muli, maraming salamat po sa inyong paanyaya, sa inyong pagtanggap, at sa pagbabahagi ng inyong kultura, pananampalataya, at pagkakaibigan. Dalangin namin ang patuloy na pag-unlad, pagkakaisa, at pagpapala ng inyong pamayanan.
Viva St. Raymund Nonnatus at Mabuhay ang inyong Fiesta!