Pahina

Pahina 𝐏𝐀𝐇𝐈𝐍𝐀 | 𝐏olitics, 𝐀rts, 𝐇istory, 𝐈nformation, 𝐍ews, and 𝐀nalytical-surveys I hope for your understanding. My intention is not to cause harm but to spread love.

Hello, like you, I am also aligned with your vision for Marinduque to be recognized worldwide for its beauty, talents, unique culture, and traditions. While you may see me everywhere, I must maintain anonymity due to personal conflicts. Loving is caring.

Kabilang ang Marinduque sa High Risk sa listahan ng direktang maapektuhan ng Bagyong   na inaasahang mas lalakas at magi...
17/10/2025

Kabilang ang Marinduque sa High Risk sa listahan ng direktang maapektuhan ng Bagyong na inaasahang mas lalakas at maging TROPICAL STORM hanggang SEVERE TROPICAL STORM na inaasahang manalasa simula bukas, Oktubre 18 2025. Sabado:

🟧 HIGH RISK (ALERT LEVEL BRAVO)
LAKAS NG HANGIN: 75 km/h
MGA PAG-ULAN: Heavy to intense rains
• Zambales
• Nueva Ecija
• Camarines Sur
• Mountain Province
• Ifugao
• La Union
• Pangasinan
• Sorsogon
• Pampanga
• Tarlac
• Rizal
• Northern Samar
• Bataan
• Benguet
• Laguna
• Cavite
• Albay
• Bulacan
• Nueva Vizcaya
• Eastern Samar
• Abra
• Quezon
• Isabela
• Masbate
• Camarines Norte
• Ilocos Sur
• Metro Manila
• Quirino
• Aurora
• Samar
• Catanduanes
• Batangas
• Marinduque

🟨 MODERATE RISK (ALERT LEVEL ALPHA)
LAKAS NG HANGIN: up to 55 km/h
MGA PAG-ULAN: Moderate to heavy rains
• Capiz
• Southern Leyte
• Iloilo
• Dinagat Islands
• Leyte
• Ilocos Norte
• Romblon
• Biliran
• Oriental Mindoro
• Cebu
• Apayao
• Kalinga
• Aklan
• Cagayan
• Occidental Mindoro
• Negros Occidental
• Antique
• Surigao del Norte
• Bohol

Source: Philippine Emergency Alerts

17/10/2025

Devolution naman pla ang may problema hindi siya o sila. 😅

17/10/2025

Congratulations sa lahat ng pumasa sa Board Exams ngayong month. Magpugay!!
Hanap naman ng Backer.

DIPLOMA NA NAGING BATO PA! Labis ang pagsisi ng mga nabiktima ng masteral and doctoral scam sa Palawan matapos mapag ala...
17/10/2025

DIPLOMA NA NAGING BATO PA!

Labis ang pagsisi ng mga nabiktima ng masteral and doctoral scam sa Palawan matapos mapag alaman na peke pala ang naturang inoffer na post graduate degree sa kanila.

Ayon sa nagpost.

More than 400 teachers from Puerto Princesa and Palawan..Biktima!

Itong ngitngit pa sa alketran na DEP-ED PALAWAN sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Elsie Barrios sa pamamagitan ng kanyang Assistant Schools Division Superintendent na si Arnaldo G.Ventura ay naglabas ng DEP-ED Division Advisory na humihikayat sa mga teaching and non-teaching personnel ng Schools Division of Palawan to enroll sa Southern Philippines Academy College Inc.

They were encouraged by SDS BARRIOS AND ASDS VENTURA to enroll in the following four courses offered by SPACI.

1.Master of Arts in Education with Major in Educational Management.

2.Doctor of Education with Specialization in Educational Management.

3.Master of Public Administration with Major in Organizational Management.

4.Doctor of Philosophy with specialization in Organizational Management.

Ang kausap dito ng mga namiminuno sa DEP-ED PALAWAN ay si Dr.Forma L.Gonzales,Ph.D na nagpakilalang Director at Dean for External Classes ng SPACI.

Ang SPACI o Southern Philippines Academy College Inc. ay nakabase sa Lalawigan ng Maguindanao sa Mindanao.

Maraming g**o ang nais makakuha ng Certification na graduate sila sa naturang mga kurso, pandagdag sa points ng kanilang credentials lalo na doon sa naghahangad na ma-promote.

At dahil merong advisory ang DEP-ED DIVISION OFFICE,nagtiwala sila.

More than 400 teachers ang nag-enroll (Distance Learning).

Nagbayad sila.

MORE OR LESS P60-80K ang binayaran nila.

Maraming g**o nag-salary loan pa para lamang makabayad.

May mga g**o,dahil sa hirap din ng buhay,hindi kaya bayaran one time ,nagpapadala buwan buwan ng pera kay Dr.Gonzales at sa ilang sangkot na School Principal.

Ito na.

Nagkaroon sila ng graduation,sa Asturias Hotel pa.

Masaya ang lahat!

Aba,pagkatapos ng graduation,binigyan lang sila ng Certification na graduate na sila,hindi permado ng School President.

Permado lang ng Dean na si Dr.Gonzales.

To be recognized as a graduate of certain course sa isang Private School,Dapat mabigyan din sila ng S O or Special Order ,a government issued document that signifies that the graduation has been approved by the Commission on Higher Education.

Mag-iisang taon na wala pa ring binibigay na SO si Prof.Gonzales.

Kaya karamihan sa mga biktima,nagpapa-refund nalang.

Si Prof.Gonzales,panay pangako na magre-refund,but until now wala pang nare-refund.

Noong graduation ceremony,nandoon din ang tatlong Principal,sila Principal Jay Aspurias ng Abueg National High School(Brookes Point),Principal Ronnie Nuñes ng Malis National High School,Principal Alfredo Labor ng Brooke's Point National High School at DEP-Ed District Supervisor .

Note:Kalakip sa post na ito ang Advisory ng Dep-Ed Palawan na humihikayat sa mga teachers na mag-enrol sa SPACI at ang Suspension Order laban sa ilang opisyal ng Dep-Ed na diumano sangkot sa ITEM FOR SALE at Certification na binigay sa mga g**o after graduation.

Congratulations Dr. Kharam Molbog of Class 2024 na Top sa  October 2025 Physician Licensure. Matatandaang nag topped din...
16/10/2025

Congratulations Dr. Kharam Molbog of Class 2024 na Top sa October 2025 Physician Licensure. Matatandaang nag topped din siya sa 2022 licensure exams for medical technologists. Mabuhay ka!!

Sa mga larawang ibinahagi ni San Isidro Hidden Cave Bagumbungan, ipinapaabot nila sa publiko na ang kanilang kweba ay bu...
15/10/2025

Sa mga larawang ibinahagi ni San Isidro Hidden Cave Bagumbungan, ipinapaabot nila sa publiko na ang kanilang kweba ay bukas na para sa lahat ng nais bumisita. Para sa mga gustong makita at maranasan ang ganda ng kweba, pinapayuhan ang lahat na dumalaw lamang sa umaga, dahil kadalasang umuulan tuwing hapon. Mahalaga ring sumubaybay sa mga update ng panahon bago bumiyahe upang matiyak ang kaligtasan ng bawat turista. Sa ngayon, hindi muna inirerekomenda ang booking dahil pabago-bago ang klima, kaya’t humihingi sila ng paumanhin sa maaaring abala na dulot nito.

Pinaaalalahanan din ang mga bibisita na magsuot ng tamang kasuotan, tulad ng rubber shoes o sapatos na pang-adventure at kumportableng damit, at magdala ng sariling flashlight o headlamp. Mahigpit ding pinapaalala na sumunod sa mga gabay o tour guide at igalang ang kalikasan sa loob ng kweba.

Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura, paninigarilyo, o pagsisindi ng apoy sa loob ng kweba. Hindi rin pinahihintulutan ang pag-ukit, pagguhit, o paghawak sa mga stalactites at stalagmites dahil matagal ang panahon bago ito mabuo. Pinapaalalahanan ang lahat na irespeto ang likas na ganda ng kalikasan at tandaan ang paalalang, “Leave nothing but footprints, take nothing but pictures, and kill nothing but time.”

Congratulations to Francine Nicole Doroin, Pop Solo Champion in STRASUC-CAF 2025!Courtesy: Marinduque State University
15/10/2025

Congratulations to Francine Nicole Doroin, Pop Solo Champion in STRASUC-CAF 2025!

Courtesy: Marinduque State University

15/10/2025

Sa videong ibinahagi ni Donna Pernia Valencia, kinagiliwan ng mga bata at residente ng bayan ng Gasan ang muling pagpapalaya sa dagat ng mga maliliit na pawikan (hatchlings) sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO) Gasan, sa pamumuno ni Ms. Vanessa Tayaba.

Sa naturang aktibidad, ipinaliwanag ni Ms. Tayaba ang mga bawal at tamang gawain kaugnay sa paghawak at pangangalaga sa mga pawikan bilang bahagi ng isang public information campaign na layuning mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng mga pawikan sa ekosistema at kalikasan.

Ang ganitong mga inisyatiba ay mahalagang paalala na ang pagtatanggol sa buhay-dagat ay hindi lamang tungkulin ng iilan, kundi pananagutan ng bawat isa para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Courtesy: Donna Pernia Valencia

Sa Laguna, nagsuspinde si Governor Sol Aragones ng face-to-face classes sa lahat ng levels, public and private, mula Oct...
14/10/2025

Sa Laguna, nagsuspinde si Governor Sol Aragones ng face-to-face classes sa lahat ng levels, public and private, mula October 14 hanggang 31, 2025 bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng lindol.

“Sa halip ay magkakaroon tayo ng Alternative Delivery Mode kasama na ang Online class at Modular. Ito po ay para matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at makapaghanda din tayo ng mga plano. "-sol

Habang marami ang natutuwa, mayroon dn namang natatawa sa desisyong ito. Sa tingin niyo tama ba o mali ang ginawa ni gov sol?

Hindi ito pananakot, kundi isa lamang na babala. Nangyayari na!! Maging handa.
13/10/2025

Hindi ito pananakot, kundi isa lamang na babala. Nangyayari na!! Maging handa.

Kanina lamang ay nagkaroon ng magnitude 2.9 na lindol sa Romblon samantalang sa ang bulkang taal sa Batangas ay nagkaroo...
13/10/2025

Kanina lamang ay nagkaroon ng magnitude 2.9 na lindol sa Romblon samantalang sa ang bulkang taal sa Batangas ay nagkaroon ng maliit na phreatic eruption o mahinang pagsabog. Maging handa po tayo lahat. Tanging panalangin at pananampalataya na lamang ang ating sandata sa mga panahon ito. Ingat po tayong lahat!

Address

Boac
Marinduque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share