05/10/2025
𝑨𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑶, 𝑨𝑵𝑮 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵, 𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀-𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀 𝑨𝑵𝑮 𝑳𝑨𝑩𝑨𝑵!
Tunghayan ang naging pagkilos ng mga Marilenyo ngayong araw bilang pagkondena sa lumalalang korapsyon at insidente ng pagbaha sa ating bayan. Bitbit ang mga panawagang humihiling sa pamahalaan ng bukas na sistema, pagpapanagot sa mga may-sala at paghahanap ng hustisya sa pandarambong sa ating bayan, sama-sama tayong kumilos bilang isang nagkakaisang bayan.
Sinimulan ang programa sa isang MISA NG PANANAGUTAN na sinundan naman ng MARTSA NG SAMBAYANAN at PROGRAMA sa SM Marilao.
Hindi pa ito ang huli, patuloy tayong magbabantay at titindig hindi lamang sa mga isyu ng pagbaha at korapsyon sa ating bayan at lalawigan. Hihintayin at hihintayin natin dumating ang panahon na mayroong managot at maparusahan sa pambababoy sa bayan at pandarambong sa kaban nito. WALANG SISINUHING OPISYAL NG GOBYERNO, LAHAT SINGILIN, LAHAT PANAGUTIN!