23/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐พ
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ 101, ๐๐๐ 101, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ต๐ฉ 101 ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐๐๐ข๐ณ ๐๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด
Bilang bahagi ng Gender Empowerment Advocates (GEA) iCare 2.0 Program, nagsama-sama ang mga student leader ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) noong Miyerkules, Hulyo 22, sa PLMar SSS Campus Student Wellness Hub upang makiisa sa serye ng mga seminar na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman sa SOGIESC, HIV, at Mental Health, bilang paghahanda sa pagiging mas inklusibo, mapanuri, at makataong mga lider.
Sa 1st iCare 2.0 Activity, pinangunahan ng mga opisyal ng Gender Empowerment Advocates (GEA) ang mga talakayan sa SOGIESC 101 at HIV 101. Tinalakay ang kahalagahan ng pag-unawa sa S*xual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and S*x Characteristics (SOGIESC), gayundin ang pagbibigay ng tama at siyentipikong impormasyon tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV). Layunin nitong mabawasan ang stigma, maitama ang mga maling paniniwala, at maisulong ang isang ligtas, inklusibo, at may paggalang na komunidad sa loob ng pamantasan.
Kasunod nito, isinagawa ang 2nd iCare 2.0 Activity na nakatuon sa Mental Health 101, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mas maunawaan ang kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan sa kanilang personal na buhay at bilang mga lider. Sa pamamagitan ng mga interaktibong talakayan at mapagnilay na gawain, tinalakay ang mga salik na nakaaapekto sa mental health, kabilang ang akademikong hamon, personal na karanasan, ugnayan sa pamilya at kapwa, at ang epekto ng diskriminasyon at stigma. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkilala sa mga senyales na nangangailangan ng suporta ang isang tao, paggamit ng mapagkakatiwalaang impormasyon, at pagiging isang lider na may malasakit, empatiya, at kahandaang umalalay sa kapwa.
Patuloy na inaanyayahan ng Gender Empowerment Advocates (GEA) ang buong komunidad ng PLMar na makiisa sa mga susunod pang yugto ng iCare 2.0, kung saan isusulong ang mas marami pang makabuluhang talakayan at programang naglalayong palawakin ang kamalayan, itaguyod ang inklusibidad, at pangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng pamantasan.