Marikina Valley Medical Center Employees Association - UFSW

Marikina Valley Medical Center Employees Association - UFSW Kami ay samahan na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga empleyado ng MVMC,

15/07/2026

Laban Manggagawa

15/07/2026
30/06/2026

πŸ“’ BREAKING NEWS πŸ“’

Minimum wage sa National Capital Region, itataas sa:

πŸ“July 19, 2026 - dagdag Php60.00 kada araw
πŸ“January 2027 - dagdag Php25.00 kada araw

29/06/2026

πŸ“’ PANAWAGAN PARA SA TULONG MEDIKAL

Magandang araw, mga kasama.

Ang dati nating kasamahan at opisyales na Sir Romerick R. Valdemoro, ay kasalukuyang naka-admit sa MVMC at patuloy na sumasailalim sa gamutan matapos ang isang seryosong operasyon.

Bilang bagong tatag na unyon, wala pa po tayong pondo para sa ating Welfare Program.

Dahil dito, magalang na humihingi at kumakatok sa inyon butihing puso para sa anuman na inyo po maitulong sa kanya at bilang pakikiisa upang makapagbigay ng anumang halaga para sa ating kasamahan.

Ang bawat ambag ay malaking tulong maliit man halaga ito ay malaking tulong at ginhawa sa kanyang pagpapagamot at sa kanyang pamilya. Narito po ang detalye ng gcash niya.

GCash: 09276086509
Account Name: Romerick Ramirez Valdemoro

"Ang tunay na lakas ng ating unyon ay hindi lamang nasusukat sa ating ipinaglalaban, kundi sa ating pagkakaisa at pagdadamayan sa oras ng pangangailangan. Sa unyon, walang maiiwanan lahat tayo ay iisa at sama sama."

Maraming salamat po sa inyong malasakit at kabutihang-loob.

In solidarity
MVMCEA-UFSW

PAANO GUMAGANA ANG ATING GRIEVANCE MACHINERY?(Batay sa ating Collective Bargaining Agreement o CBA)Mga Kasama,Narito ang...
22/06/2026

PAANO GUMAGANA ANG ATING GRIEVANCE MACHINERY?
(Batay sa ating Collective Bargaining Agreement o CBA)

Mga Kasama,

Narito ang step-by-step process kung paano natin inaayos ang mga reklamo o concerns sa trabaho sa pamamagitan ng ating Grievance Machinery:

STEP 1: Identify the Grievance (Alamin ang Reklamo)
Tiyakin muna na ang concern ay may kaugnayan sa:
βœ… Paglabag sa CBA
βœ… Hindi patas na pagtrato
βœ… Sahod, benepisyo, o iba pang karapatan ng empleyado
βœ… Interpretasyon o pagpapatupad ng mga probisyon ng CBA

STEP 2: Fill Out the Union Grievance Form
Sagutan ang opisyal na Union Grievance Form at ilagay ang:
πŸ“ Petsa at detalye ng insidente
πŸ“ Uri ng reklamo
πŸ“ Mga ebidensya tulad ng memo, sulat, screenshots, o larawan

STEP 3: Submit to the Union Officer
Isumite ang form sa Union Office o sa Union Officer upang ito ay mairehistro at maproseso. KAKAUSAPIN NG SHOPS STEWARD O GRIEVANCE TEAM ANG HEAD NG UNIT PATUNGKOL SA HINAING NG EMPLEYADO, KAPAG WALANG KASUNDUAN AY AAKYAT NA SA STEP 4.

STEP 4: Grievance Committee Meeting
Ang reklamo ay tatalakayin ng Grievance Committee na binubuo ng:

β€’ 3 Representatives from the UNION
β€’ 3 Representatives from the MANAGEMENT

Magkakaroon ng pagpupulong upang humanap ng patas at maayos na solusyon sa concern.

STEP 5: Voluntary Arbitration (Kung Walang Kasunduan)
Kung hindi pa rin magkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig, ang kaso ay maaaring dalhin sa isang independent Voluntary Arbitrator para sa pinal at may-bisang desisyon.

πŸ“Œ Paalala: Ang Grievance Machinery ay ginawa upang mabigyan ng maayos, patas, at mapayapang paraan ng pagresolba sa mga workplace concerns ng bawat empleyado.

Maraming salamat po.
MVMCEA-UFSW

21/05/2026

✊

sama-sama tayo sa Mayo uno! Mga Uring Manggagawa!
24/04/2026

sama-sama tayo sa Mayo uno! Mga Uring Manggagawa!

Taos-puso po kami MVMCEA-UFSW nagbibigay pugay at nakikiramay sa pamilya ni Ka Edgar Aran. Hindi matatawaran ang iyong s...
06/04/2026

Taos-puso po kami MVMCEA-UFSW nagbibigay pugay at nakikiramay sa pamilya ni Ka Edgar Aran. Hindi matatawaran ang iyong sakripisyo at dedikasyon para sa laban ng uring manggawa bilang isang tunay na lider-manggagawa. Salamat sa iyong sakripisyo, at walang sawang paggabay sa amin para maitatag ang aming unyon sa MVMC. Ikaw ang gumabay at isa sa nagturo sa amin upang maging pundasyon ng pagkakaisa. Ang iyong laban ay mananatiling buhay sa aming puso ng bawat manggagawang tinulungan mo. Paalam, Ka Edgar. Tuloy ang laban!"

Address

Sto. Nino Marikina
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina Valley Medical Center Employees Association - UFSW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category