10/08/2026
"๐๐๐๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐?"
Minsan na bang pumasok sa isipan mo kung ano ang kalagayan ng mga aso't pusa na walang tirahan? O, may tirahan nga ngunit nasa labas.
Minsan mo na bang natanong na "๐๐๐๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐?"
Ni minsan ba nasama ang kanilang pangangailangan sa mga relief goods?
Malamang, hindi. At kadalasan naman talaga, hindi.
Kaya sana naman, pumasok sa isip natin ang tanong na "๐๐๐๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐?"
______________________________
- Kaya naman kami ay nag-ikot-ikot sa ilang mga barangay sa Lungsod ng Marikina upang mabigyan ng pagkain ang mga stray cats at stray dogs. Hindi man namin sila mabigyan ng komportableng matutuluyan, kahit papaano ay magkakaroon ng laman ang kanilang mga tiyan. ๐๐
- Kami ay naghanda ng laman ng manok, sabaw ng manok (walang halong seasonings), kanin, Tuna/Salmon Cat food, at Beef Dog food. At pinaghalo-halo ito upang magkaroon ng water content ang kanilang pagkain, sa gayon ay ma-hydrate sila. Kami rin ay naghanda ng tubig na kanilang maiinom. ๐๐๐ง
- Sinulit namin ang mga oras na ambon pa lamang upang mapuntahan ang mga aso't pusa na sumisilong sa mga bubong, sasakyan, tricycle, at mga establisyimentong may silong. Nang lumakas ang ulan ay hindi pa rin kami tumigil upang puntahan ang mga stray na halos nababasa na ng ulan. ๐ง๐บ๐
- Ang aming ginamit ay mga biodegradable paper plates upang maging angkop sa ipinatutupad na alituntunin ng ating lungsod. Nag-iwan din kami sa mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga aso't pusa.
- Kami ay magpapatuloy na mag-ikot upang mabigyan ng kahit papanong tulong ang mga aso't pusa sa lansangan. Dahil ang SAMA ay naniniwala na ang mga stray cats at stray dogs ay PARTE ng ating KOMUNIDAD! ๐