12/08/2026
Ngayong International Youth Day, kilalanin natin si Alexa, isang kabataang may spina bifida na isinasalin ang kanyang mga karanasan at paglalakbay sa pamamagitan ng kanyang mga obra.
Sa kabila ng mga hamon, pinipili niyang mamuhay nang may pag-asa at pasasalamat. Nagpapasalamat siya sa Diyos sa biyayang mabuhay at sa pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan na patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas.
Ang kuwento ni Alexa ay inspirasyon sa lahat ng kabataan... Na anuman ang ating pinagdaraanan, maaari pa rin tayong mangarap, lumikha, at maging liwanag sa iba. Minsan, ang pinakamagagandang obra ay nabubuo mula sa pinakamalalaking pagsubok.