Kalayaan Kontra Korapsyon

Kalayaan Kontra Korapsyon BE A K*K MEMBER: https://forms.gle/oHhHKA5zSPVfBwyN9
✊🏼 Join the movement for transparency, accountability, and justice. BE AN INDEPENDENT LEADER.

STAND AGAINST CORRUPTION.

Sila ang tunay na taga sunod lang kay kumander at protektor ng mga korap, druglords, at malalaking korporasyon. Dipa tay...
23/04/2026

Sila ang tunay na taga sunod lang kay kumander at protektor ng mga korap, druglords, at malalaking korporasyon. Dipa tayo nakakita na prinotektahan nila yung mga magsasaka sa lupain nila. Remembering Hacienda Luisita Massacre noong panahon ni Cory Aquino.

RAK KONTRA KURAP: KALAYAAN KONTRA KORAPSYON T-SHIRT UP FAIR SERIESSupport a cause while wearing the message.All proceeds...
22/04/2026

RAK KONTRA KURAP: KALAYAAN KONTRA KORAPSYON T-SHIRT UP FAIR SERIES

Support a cause while wearing the message.

All proceeds will go to our charity projects and donation drives for public drivers and Panday Creek demolition victims.

High-quality t-shirts. Durable prints. Built to last.
With 2 free keychains per purchase. Limited stocks 17 pieces left.

22/04/2026

Kalye Tunes UP FAIR (April 15,2026) UP FAIR Season na naman! Nakadaan ba kayo sa aming booth? Salamat po sa mga dumaan at nag donate.

🀝
20/04/2026

🀝

19/04/2026
19/04/2026
HANDA KA NA BA SUMAMA SA RAKRAKAN? 🀘πŸ”₯UP FAIR 2026 IS HERE.Big artists. Big crowd. Big energy.Kristine KZ Tandingan, Mayo...
14/04/2026

HANDA KA NA BA SUMAMA SA RAKRAKAN? 🀘πŸ”₯

UP FAIR 2026 IS HERE.

Big artists. Big crowd. Big energy.
Kristine KZ Tandingan, Mayonnaise, Sponge Cola, Orange & Lemons, Hev Abi at marami pang iba…

Pero hindi lang β€˜to concert.

From the streets to UP Fair 2026.
Kalayaan Kontra Korapsyon.

Mula sa EDSA hanggang Luneta,
mula protesta hanggang pagkilos
hanggang sa Takbo Laban sa Korapsyon,
at paglantad ng katotohanan,
tuloy ang laban.

Ngayon, dala namin β€˜to sa gitna ng ingay ng musika.

πŸ“ UP Fair 2026 – Sunken Garden, UP Diliman
πŸ“… April 15 to April 18
πŸ“Œ Booth AD3

Kalayaan Kontra Korapsyon.
Hindi lang rakrakan, paninindigan.

Habang lumulobo ang kita ng malalaking korporasyon ng langis, lalo namang nilulugmok ang mga tsuper at mamamayan sa wala...
25/03/2026

Habang lumulobo ang kita ng malalaking korporasyon ng langis, lalo namang nilulugmok ang mga tsuper at mamamayan sa walang tigil na taas-presyo! Hindi ito simpleng krisis, ito ay tahasang pagpapahirap na kinukunsinti ng gobyerno!

Sa bawat patak ng gasolina na nagmamahal, may pamilyang nagugutom, may tsuper na napipilitang mamasada kahit lugi na! Hanggang kailan tayo magtitiis sa sistemang inuuna ang tubo kaysa tao?

Sumama sa welga, bukas at biyernes!
Marso 26 at 27

Ibasura ang deregulation law!
Isabansa ang industriya ng langis!


*K

GINAGAWANG GATASAN NA LAMANG NG AYUDA ANG MGA TSUPER NATIN NG PAMAHALAAN, WALANG KONKRETONG PLANO!Hindi na napagbigyan a...
19/03/2026

GINAGAWANG GATASAN NA LAMANG NG AYUDA ANG MGA TSUPER NATIN NG PAMAHALAAN, WALANG KONKRETONG PLANO!

Hindi na napagbigyan ang katiting na pisong taas-pasahe, binigyan pa ng insultong band-aid solution gaya ng Fuel Subsidy na hindi rin naman sapat at delayed pa, binuntutan pa ng mga libreng sakay na siyang mas magpapahina pa sa kita ng ating mga tsuper, mapa jeep, UV, buses o ano ka pa mang uring pampublikong transportasyon.

Malabnaw at kulang sa pagsasaliksik ang ginawa ni Marcos Jr upang alamin ang tunay na kalagayan ng bawat tsuper ngayon sa kalsada, ipinapakita lang din niya na hindi niya kailanmang naranasan maging komyuter, o maging trahabante sa pampublikong sasakyan kaya't tila ba'y naging solusyon na lamang niya ang libreng sakay, ang estado ay tila ba pinag-aaway ang masang tsuper at ang mga komyuter, dahil sa kaniya-kaniyang suliranin sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Sa araw na ito, Marso 19, ay naglunsad ng tigil-pasada ang PISTON na tatagal hanggang bukas, Marso 20, upang ipanawagan ang pagbuwag sa Oil Deregulation Law, VAT at TRAIN Law.

Sa mga susunod na raw naman ay napipinto ring magkasa nang mas malawak na tigil pasada ang grupong MANIBELA.

Patuloy na makiisa sa laban ng mga tsuper na siyang minsa'y naghahatid sa atin paputa sa paaralan, trabaho at mga appointments, nawa'y ito naman ang oras upang samahan natin sa kanilang laban.


*K

Address

Manila
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalayaan Kontra Korapsyon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share