19/07/2026
Hindi porke’t nakapunta sa lugar at nakapag-video ay maihahambing na sa isang investigative journalist.
Ang investigative journalism ay hindi nakabatay sa personal na opinyon kundi sa ebidensya, masusing pananaliksik, beripikasyon ng mga impormasyon, at pananagutan sa katotohanan. Kaya ang isyu sa Ibinasurang Paraiso ay hindi lang kung sino ang lumikha ng basura, kundi kung ginampanan ba ng LGU ang legal at moral nitong obligasyon na pangalagaan ang kalikasan at ang lupang ninuno ng mga Ayta.
Oo, may pananagutan ang bawat mamamayan sa basurang nalilikha nila. Pero kapag nakolekta na ito ng LGU, hindi na maaaring ipasa sa taumbayan ang pananagutan kung mali ang pamamahala sa basura. Ang tungkulin ng pamahalaan ay magpatupad ng batas, hindi maghanap ng masisisi.
Magkaiba ang content creation at journalism. Ang una ay maaaring magbigay ng opinyon. Ang ikalawa ay naghahanap ng katotohanan at nananagot sa publiko.
Masuwerte kaming pinayagan at nakarating kami sa ground zero ng Subic dumpsite kasama ang mga katutubong Aeta na nakatira sa paanan ng dumpsite.
Nagulat ako dahil wala akong naamoy na masangsang na amoy. Tinanong ko sila kung normal ba iyon, at sinabi nilang wala raw talagang mabahong amoy—kahit mga langaw ay halos wala.
Tinanong ko rin kung saan sila nakatira. Itinuro nila ang kanilang komunidad sa ibaba ng bundok. Wala nang ibang kabahayan sa paligid at kailangan pang bumiyahe ng humigit-kumulang 7 kilometro bago makarating sa susunod na lugar.
Nalaman ko rin na pribadong tao na ang may-ari ng lupang ito.
Gayunpaman, nakakalungkot pa rin isipin na ang mga basurang narito ay nagmula sa ating mga lungsod. Dahil wala nang sapat na mapaglagyan ng basura sa mga siyudad, nauuwi itong dinadala sa mga liblib at malalayong lugar.
Ayon din sa mga impormasyong nakalap ko, segregated na ang mga basurang narito at karamihan ay mga hindi nabubulok na plastik.
Kaya sana, tayong mga nakatira sa siyudad ay magsimulang bawasan ang paggamit ng mga single-use at non-recyclable plastic. Hindi lang ito tungkol sa tamang pagtatapon ng basura, kundi sa pagbabawas ng basurang nalilikha natin araw-araw.
Dahil ang tunay na tanong ay: Saan nga ba talaga mapupunta ang lahat ng basurang galing sa ating mga siyudad?
Hindi lang mga LGU o ang DENR ang dapat nating sisihin. Bilang mga mamamayan, may pananagutan din tayo. Hangga't patuloy tayong gumagamit ng mga plastik at iba pang materyales na hindi madaling mabulok nang walang pag-iingat, patuloy ding lalaki ang problemang ito.
Ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.