01/07/2026
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa Run for a Cause: Hakbang ng Bayanihan, Kalusugan sa Piitan noong June 28 sa Greenfield District!
Bilang isa sa mga sponsors, ipinagmamalaki ng Kababaihan Partylist na makiisa sa Bureau of Corrections (BuCor), Correctional Institution for Women (CIW), Greenfield District, at sa lahat ng aming partner organizations sa isang adhikaing naglalayong suportahan ang medical at welfare needs ng women Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa CIW.
Nananatili ang aming paninindigan na isulong ang kalusugan, katarungan, at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat kababaihan, kabilang ang mga nasa vulnerable circumstances.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang araw na ito!
Para sa KABABAIHAN. ❤️💙💛