Support KHT

Support KHT Standing against injustice, defending the legacy of ASA’s founder.

14/03/2025

Mga taga-suporta ni MD Kamrul Tarafder, nagtungo sa Pasig City RTC upang magpakita ng suporta at manindigan para sa hustisya. Maraming salamat sa inyong pagmamalasakit at pakikiisa sa laban para sa katotohanan.

13/03/2025

Humarap na sa Pasig City RTC Branch 158 si MD Kamrul Hasan Tarafder upang patunayan na siya ang lehitimong may-ari ng ASA Philippines Foundation matapos sapilitang paalisin at agawan ng kumpanyang itinayo niya mahigit 20 taon na ang nakalipas.

Patuloy nating suportahan si KHT sa kanyang laban upang maibalik ang hustisya at matiyak na ang ASA Philippines ay mananatiling tapat sa layunin nitong tumulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Humarap na sa Pasig City RTC Branch 158 si MD Kamrul Hasan Tarafder upang patunayan na siya ang lehitimong may-ari ng AS...
13/03/2025

Humarap na sa Pasig City RTC Branch 158 si MD Kamrul Hasan Tarafder upang patunayan na siya ang lehitimong may-ari ng ASA Philippines Foundation matapos sapilitang paalisin at agawan ng kumpanyang itinayo niya mahigit 20 taon na ang nakalipas.

Patuloy nating suportahan si KHT sa kanyang laban upang maibalik ang hustisya at matiyak na ang ASA Philippines ay mananatiling tapat sa layunin nitong tumulong sa mga pamilyang nangangailangan.

27/02/2025

Nagsampa ng kaso si MD Kamrul Hasan Tarafder sa Pasig RTC laban sa dating Ambassador Jose Cuisia Jr. at iba pang board members ng ASA Philippines Foundation!

Video courtesy of NET25

BREAKING NEWS: Dating PH Ambassador Jose Cuisia Jr. at iba pa, kinasuhan sa Pasig RTC dahil sa sabwatan sa pagpapatalsik...
27/02/2025

BREAKING NEWS: Dating PH Ambassador Jose Cuisia Jr. at iba pa, kinasuhan sa Pasig RTC dahil sa sabwatan sa pagpapatalsik kay ASA Philippines Founder MD Kamrul Hasan Tarafder!

Nahaharap sa asunto si Jose L. Cuisia Jr., kasama ang iba pang opisyal, kabilang sina Richard Dee, Esther Santos, Eric Gotuaco, Ronald Policarpio, Richard Smith II, Barbara Custodio, Rafael Cojuangco Lopa, Imelda Centeno, at Victoria Aquino Dee, matapos ang iligal na pagtanggal kay Tarafder sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

27/02/2025

MD Kamrul Hasan Tarafder, founder ng ASA Philippines Foundation, naghain ng kasong intra corporate dispute sa korte laban sa dating ambassador, iba pa

Courtesy of Radyo Pilipinas

MD Kamrul Hasan Tarafder, founder ng ASA Philippines Foundation, naghain ng kasong intra corporate dispute sa korte laba...
27/02/2025

MD Kamrul Hasan Tarafder, founder ng ASA Philippines Foundation, naghain ng kasong intra corporate dispute sa korte laban sa dating ambassador, iba pa

Courtesy of Radyo Pilipinas

Courtesy of Radyo Pilipinas

Nagpasaklolo na sa Pasig City Regional Trial Court ang Founder ng ASA Philippines Foundation, ang isa sa pinakamalaking Micro Financing Company sa Asia Pacific. Ito ay dahil tinanggal siya bilang Founder at Board Chairman sa kompanya na kanyang itinayo. Sa kanyang Intra Corporate Dispute na isinampa...

26/02/2025

BREAKING NEWS: MD Kamrul Hasan Tarafder, founder ng ASA Philippines, nagsampa na ng kaso laban sa iligal na pagtanggal at pangingikil!

Tinanggal nang walang due process?!

Video courtesy of PTV

Ang pagbili ng isang secondhand armored vehicle ay hindi isang "luho." Ito ay isang kinakailangang hakbang upang tugunan...
30/12/2024

Ang pagbili ng isang secondhand armored vehicle ay hindi isang "luho." Ito ay isang kinakailangang hakbang upang tugunan ang mga seryosong death threats laban kay Sir MD Kamrul Hasan Tarafder at sa kanyang pamilya. Ang mga banta na ito ay kinumpirma ng independent threat assessments, kabilang ang report ng mismong security consultant ng ASA. Ngunit ngayon, sinasabi ng ASA Board na ang mga banta ay eksklusibo lamang sa kanyang anak na si Simon. Kung totoo ito, bakit may dokumento mula sa kanilang sariling consultant na nagsasabing kabaligtaran?

Mas malala pa, may indikasyon na ang mga security firms na kinuha ng ASA ay hindi talaga para sa proteksyon ni Sir Kamrul. Sa halip, tila ginamit sila laban sa kanya. Ayon sa mga ebidensya, sila umano ang nagpakalat ng mga mapanirang balita na nag-uugnay kay Sir Kamrul sa droga, terorismo, at money laundering. Ito ba ang tamang paraan upang tugunan ang mga banta? O may mas malalim pang motibo ang Board?

Sa isyu naman ng pagkatanggal ni Sir Kamrul bilang Presidente at CEO ng ASA, malinaw na ito’y pinlano. Pagpasok pa lang niya sa special Board meeting, handa na ang Board Resolution para sa kanyang removal—wala siyang abiso, walang due process, at walang pagkakataon para sagutin ang mga paratang laban sa kanya. Humiling siya ng oras upang magbigay ng maayos na tugon, lalo pa’t apat na araw na lang ay may general elections na para sa bagong Board. Ngunit ang kahilingang ito ay agad tinanggihan, at tinapos nila ang meeting na may layuning alisin siya sa posisyon. Bakit ganito ang pagmamadali? Ano ang kanilang kinatatakutan?

Pagkatapos ng kanyang pagtanggal, hindi pinayagan si Sir Kamrul na bumalik sa opisina para kunin ang kanyang personal na gamit. Nagtalaga pa ng private security at SWAT members upang tiyakin na hindi na siya makakapasok. Ganito ba ang tamang paraan ng pagtrato sa isang lider na naglingkod ng 20 taon para sa ASA?

Ang tanong:
1. Kung walang banta kay Sir Kamrul, bakit may ulat mula sa security consultant ng ASA na nagsasabing kabaligtaran?
2. Bakit ginamit ang mga security firms laban kay Sir Kamrul, imbes na para sa kanyang proteksyon?
3. Ano ang dahilan ng pagmamadali sa pagtanggal kay Sir Kamrul bago ang general elections?
4. Bakit hindi siya pinayagang kunin ang kanyang mga personal na gamit matapos ang pagtanggal sa kanya?

Ang mga aksyong ito ay hindi lang tungkol kay Sir Kamrul, kundi tungkol sa integridad at hustisya sa loob ng ASA. Ang mga kilos ng Board ay nagpapakita ng kakulangan sa tamang pamamalakad at posibleng pagtatago ng katotohanan.

Basahin ang Buong Kwento Dito:
https://tribune.net.ph/2024/12/25/kamrul-refutes-asa-philippines-4

In response to the recent articles published involving Mr. Kamrul Tarafder’s and Mr. Simon Tarafder’s disputes with ASA Philippines Board, the counsel of Kamrul

May malinaw na ebidensyang nagpapakita na sina Richard Dee at Ambassador Howard Dee ang nagpasimula at nagtulak ng mga u...
27/12/2024

May malinaw na ebidensyang nagpapakita na sina Richard Dee at Ambassador Howard Dee ang nagpasimula at nagtulak ng mga usapan tungkol sa potensyal na pagbebenta ng ASA. Matindi ang pagtutol ni Sir MD Kamrul Hasan Tarafder sa ideyang ito, dahil alam niyang hindi ito makakabuti para sa mga kliyente (nanay) at sa integridad ng Foundation. Ang ASA ay para sa mga mamayang Pilipinong nangangailangan, hindi para sa pansariling interes. Kaya’t bakit nga ba itutulak ang pagbebenta nito?

Isang malinaw na halimbawa ng kanilang tactics ay ang liham ni Ambassador Jose Cuisia na ipinadala niya direkta sa staff ng ASA. Tinawag niyang "fake news" ang usapin ng pagbebenta ng ASA—nang hindi man lang ito dumaan sa Board. Hindi ba’t napaka-defensive ng kilos na ito? Ang mas nakakabahala, binypass pa niya ang Board at si Sir Kamrul bilang Presidente ng ASA, at dumiretso sa staff. Ano ang tunay nilang plano? Bakit tila may minamadali at bakit ganito ang mga kilos nila?

Ito ang mga tanong na hindi pa rin nila sinasagot:
1. Bakit hindi nila tinapos ang imbestigasyon kasama ang awtoridad tungkol sa cyber attack at death threats?
2. Bakit biglang huminto ang kanilang sariling imbestigasyon, kung may nais nga silang linawin?
3. Kung wala talagang plano na ibenta ang ASA, bakit may mga rekord na nagsasabing may ganitong diskusyon?
4. Bakit laging internal investigations ang pinipili nila, na halos laging nauuwi sa wala?

Kung tutuusin, ang mga aksyon ng ASA Board ay tila laging may tinatago. At habang patuloy silang umiwas, mas nagiging malinaw na hindi nila inuuna ang interes ng Foundation at ng mga kliyente nito.

Basahin ang buong kwento dito:

https://tribune.net.ph/2024/12/24/kamrul-refutes-asa-philippines-3

In the third installment of the response of former ASA Philippines president and CEO Kamrul Tarafder regarding the insinuations contained in a series of rejoind

Ang isyu sa ATMOS at iba pang usapin ay pilit na binabaluktot ng ASA Board at ng kanilang mga abogado para siraan si Sir...
26/12/2024

Ang isyu sa ATMOS at iba pang usapin ay pilit na binabaluktot ng ASA Board at ng kanilang mga abogado para siraan si Sir MD Kamrul Hasan Tarafder. Pero kung titignan ang mga dokumento at mga detalye, malinaw kung sino ang tunay na nagkukulang sa integridad at transparency. Walang kinalaman si Sir Kamrul sa mga kontrata ng Jyosna. Ang mga desisyon kaugnay ng IT, tulad ng halaga ng serbisyo ng Jyosna, ay ginawa nang unilateral nina Richard Dee (Trustee) at Eric Gotuaco (Trustee). Bakit kapag sila ang gumagawa ng unilateral na desisyon, ayos lang, pero kapag si Sir Kamrul ang gumagawa ng responsibilidad niya bilang lider, agad na ginagawang kontrobersyal? Malinaw na may double standard dito.

Ang kontrata ng Jyosna ay 1,500% mas mababa kaysa sa fair market rates, na pabor na pabor sa ASA. Kahit nag-expire na ito noong 2020, nagpatuloy ang Jyosna sa pagbibigay ng serbisyo nang walang bayad para maiwasan ang disruption sa operasyon ng ASA. Hanggang ngayon, ginagamit pa rin ng ASA ang ATMOS kahit wala nang umiiral na kontrata. Ang tanong: bakit hindi kinikilala ng ASA ang sakripisyong ito? At bakit tila ayaw nilang bayaran ang serbisyo na malinaw naman nilang ginagamit? Nasaan ang kanilang integridad bilang isang institusyon?

May paratang din na ginamit daw ni Sir Kamrul ang 2023 BIR issue para pilitin ang ASA na mag-upgrade ng system. Pero ang totoo, ang upgrade na ito ang nagligtas sa ASA mula sa posibleng multa at problema sa compliance. Imbes na pasalamatan siya, ginagawang negatibo ang desisyong ito na malinaw na nakatulong sa Foundation. Ganito rin ang kwento sa sinasabing hinarangan daw ni Sir Kamrul ang paglipat sa CAMS. Paano niya ito mahaharangan kung ang desisyon sa IT ay wala na sa kanyang kamay at nasa IT Committee na? Suportado pa nga niya ang transition para mapanatili ang kaayusan sa ASA. Kung may problema sa CAMS, bakit hindi nila tingnan ang inherent flaws ng system at imbes ay sinisisi si Sir Kamrul?

Isa pang malaking tanong ay ang hindi pagbabayad ng ASA sa Jyosna para sa serbisyong patuloy nilang ginagamit. Hindi ba obligasyon nilang bayaran ang serbisyo kung patuloy itong nakikinabang sa operasyon ng ASA? At higit sa lahat, bakit umatras ang ASA sa imbestigasyon ng PNP Cybercrime Unit kaugnay ng ATMOS cyber attack? Sa halip na ipagpatuloy ang imbestigasyon kasama ang mga awtoridad, gumawa sila ng sarili nilang internal investigation—na iniwan din nila nang walang paliwanag. Ano ang tinatago ng ASA Board? Bakit tila pinipigilan ang katotohanan na lumabas?

Mga tanong na ito ang dapat sagutin ng ASA Board. Bakit tila mas marami silang ikinukubli kaysa inaamin? Ano ang tingin ninyo sa mga kilos ng ASA Board?

Basahin ang buong kwento dito:
https://tribune.net.ph/2024/12/23/kamrul-refutes-asa-philippines-2

The following is a continuation of the letter of former ASA Philippines president and CEO Kamrul Tarafder as a response to the statements of Cruz, Marcelo, and

Noong 19 Disyembre 2024, sumulat si Sir MD Kamrul Hasan Tarafder sa Daily Tribune para sagutin ang mga walang basehang p...
25/12/2024

Noong 19 Disyembre 2024, sumulat si Sir MD Kamrul Hasan Tarafder sa Daily Tribune para sagutin ang mga walang basehang paratang at linawin ang mga isyung ibinabato sa kanya ng ASA Board at kanilang mga abogado. Sa madaling salita, oras na para itama ang mga maling kwento!

Conflict of Interest? Talaga Ba?

Ang sinasabi ng ASA Philippines na “conflict of interest” daw laban kay Sir Kamrul dahil sa negosyo ng kanyang anak ay isang malaking palusot. Bakit? Si Sir Kamrul mismo ang nagbunyag ng impormasyon na ito sa Board—isang malinaw na pagpapakita ng transparency at integridad. Sino pa ang gagawa niyan kung may masama siyang intensyon?

Pagkatapos ng deliberasyon, nagpatupad ang Board ng mga hakbang para matiyak na walang magiging problema. Dapat tapos na ang kwento. Pero hindi—sina Jose Cuisia (Chairman ng Board) at Richard Dee (Trustee) ay binalikan ang usapin at ginamit ito para siraan si Sir Kamrul. Parang sinadyang gawing bala laban sa kanya para tuluyang patalsikin.

FYI: Wala nang kinalaman ang anak ni Sir Kamrul, si Simon, sa anumang negosyo sa microfinance. Ang mga akusasyon laban sa kanya? Baseless, walang laman, at isang malaking haka-haka.

May paratang na gagamitin daw ni Sir Kamrul ang kaalaman niya sa ASA para sa pansariling interes. Paano siya magnanakaw ng sariling disensyo niya? Siya mismo ang gumawa ng roadmap na nagdala sa ASA sa rurok ng tagumpay bilang pinakamalaking microfinance sa bansa. Ngayon, tingnan niyo naman ang ASA mula nang mawala si Sir Kamrul—mabilis itong bumabagsak. Malinaw kung sino ang tunay na may malasakit.

Habang may mga pagbabagong nagaganap sa Board, pinapapunta pa rin si Sir Kamrul sa mga meeting pero walang pakialam sa opinyon niya. Lahat ng ideya niya para sa ikabubuti ng ASA? Diretsong tinatanggihan.

Ang Board na dapat ay independent ay naging “Yes Men” nina Dee at Cuisia. Ang pagtutol ni Sir Kamrul sa mga maling desisyon nila ang ginawang dahilan para siya tanggalin. Pero kung tama ang pagtanggal nila, bakit nagpalit ng CEO tatlong beses sa loob ng anim na buwan? Kung ganito sila magpatakbo, sino ba talaga ang may problema?

Basahin ang Buong Kwento Dito:

https://tribune.net.ph/2024/12/22/kamrul-refutes-asa-philippines-1

In a letter last 19 December, ASA Philippines former president and CEO Kamrul Tarafder gave a rebuttal to the statements of the law firm of the microfinance fou

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Support KHT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share