28/03/2026
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ข๐ง๐ก๐๐ฐ๐
Ang bawat krisis ay panawagan sa pamahalaan na gampanan ang kanilang tungkulin, ang tulungan at protektahan ang mga pinakaapektadong mamamayan ng bansa. Ngunit habang patuloy nating kinakalampag ang pamahalaan, ito rin ay paalala sa ating lahat na buhayin ang diwa ng pakikipagkapwa tao, ang malasakit, bayanihan, at pagkakaisa.
Sa panahong ito, higit nating kailangang agapayan ang mga pinaka-bulnerableng sektor, gaya ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan. Sapagkat ang laban ng tsuper ay laban din ng bawat komyuter.
๐ผ๐ฃ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฃ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐จ๐?
โข Kung may kakayahan, magbigay ng higit sa tamang pamasahe
โข Suportahan at makilahok sa mga inisyatibang tulad ng community pantry
โข Makibahagi sa panawagan upang marinig ang hinaing ng ating mga tsuper
โข Magsimula sa sarili, magtipid sa konsumo ng enerhiya sa loob ng tahanan
Sa bawat krisis, ang ating tunay na sandigan ay ang nagkakaisang mamamayan, ang lakas ng pakikipagkapwa at bayanihan.