16/12/2025
Nag-file ngayong hapon ng December 16 si Manila 4th District Councilor Eunice Ann Castro ng pormal na reklamo sa Manila Prosecutor’s Office laban sa isang kapwa halal na opisyal ng Distrito Kwatro.
Ang reklamo ay tumutukoy sa paglabag sa RA 11313 o Safe Spaces Act, pati na rin sa acts of lasciviousness.
Matatandaang noong October 9, 2025 regular session ng Sangguniang Panlungsod, unang inilahad ni Councilor Castro ang mga alegasyon ng sexual harassment sa kanyang privilege speech. Pagsapit ng October 16, inirekomenda ng Committee on Ethics ang 60-day suspension sa pamamagitan ng Resolution No. 393.
Mariing pinaninindigan ni Councilor Eunice Castro ang pagtataguyod ng isang ligtas, magalang, at responsable na kapaligiran sa loob ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.