18/03/2026
SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES PARA PAG-USAPAN ANG ROLE NG MGA KABABAIHAN PARA SA KAPAYAPAAN!
Dito lang ‘yan sa 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙉𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚?, ngayong Huwebes, 2:00 n.h.
Sa pagdiriwang natin ng National Women’s Month ngayong taon, binibigyang-pugay natin ang mga Filipina bilang mga mahalagang "agents of peaceful and just futures (Tañada et al., 2025)". Tatlong dekada matapos ang historic na Fourth World Conference on Women sa Beijing, nananatiling isang malaking isyu ang epekto ng armed conflict sa buhay ng mga Pilipina. Kaya naman, layunin ng episode na ito na suriin kung paano nag-translate ang landmark vision ng Beijing Conference regarding women in armed conflict sa kasalukuyang realidad ng mga Filipina. By exploring these multifaceted experiences across different local and international conflict settings, gusto nating intindihin kung ano ba gampanin ng mga Pilipina sa gitna ng armed conflict ngayon, at maghanap ng concrete ways para isulong ang role niya bilang isang active architect ng mas inclusive, makatarungan, at mapayapang lipunan.
Makakasama natin sa episode na ito si Bb. Karen N. Tañada (Executive Director, Gaston Z. Ortigas Peace Institute). Makakapanayam naman siya ni Jesse Claudio (Associate Director for Research, IPC).
Hatid namin ang episode na ito sa pakikipagtulungan ng Ateneo de Manila University Gender and Development Office.
---
Ang programang 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙉𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.