24/07/2026
๐จ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐
๐: ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐! ๐จ
Mga kababayan, maging mapanuri sa mga indibidwal na nag-aalok ng trabaho o nanghihikayat sa kapwa OFW na lumipat ng employer o bansa, lalo na kung sila ay hindi lisensyadong recruiter o walang kaukulang awtoridad mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa mga kinauukulang awtoridad sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
May mga natatanggap na ulat ang Migrant Workers Office (MWO) Prague tungkol sa mga OFWs na nanghihikayat, nagre-recruit, o nagpo-"poach" ng kapwa OFW kapalit ng iba't ibang bayarin gaya ng visa appointment fee, processing fee, reservation fee, at iba pa.
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐:
โ Huwag makipagtransaksyon sa sinumang walang lisensya o awtoridad mula sa DMW at walang legal na pahintulot mula sa mga kinauukulang awtoridad sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan upang mag-recruit ng mga OFW.
โ Huwag magbayad ng "visa appointment fee," "processing fee," "reservation fee," o anumang bayarin sa personal na account ng isang indibidwal.
โ Mag-ingat sa mga nanghihikayat sa inyo na lumipat ng employer o bansa sa pamamagitan ng third-country o cross-country hiring scheme. Ang ganitong uri ng recruitment ay labag sa batas ng DMW at maaaring magdulot ng problema sa inyong immigration status, trabaho, at kaligtasan.
โ
Siguraduhin na ang recruitment agency ay may valid license mula sa DMW at accredited ang employer na pupuntahan.
๐ Suriin ang listahan ng mga lisensyadong recruitment agency dito:
https://dmw.gov.ph/inquiry/licensed-recruitment-agencies
๐ข Makikita ang available job vacancies sa link na ito:
https://dmw.gov.ph/inquiry/approved-job-orders
Kung may nais kayong ipa-verify na recruiter, employer, recruitment agency, o job offer, o kung nais ninyong mag-report ng hinihinalang illegal recruitment, makipag-ugnayan sa MWO Prague sa pamamagitan ng aming opisyal na page, at email address na: [email protected]
Maging mapanuri. Maging maingat. Protektahan ang inyong sarili laban sa illegal recruitment, panloloko, at human trafficking.