08/04/2025
Sa darating na Biyernes Santo, sama-sama muli nating pagnilayan ang Pitong Huling Wika ng Panginoong Hesukristo, sa SIETE PALABRAS 2025, ang pinakamatagal nang pagninilay pantelebisyon sa Pilipinas. Ang ating tema ngayong taon: โKRUS NI HESUS: BUKAL NG PAG-ASAโ
Makakasama natin ang mga piling tagapagnilay mula sa Order of Preachers (Dominicans) na gagabay sa atin sa pagninilay sa Krus ni Hesusโang bukal ng ating pag-asa, lalo na sa gitna ng pagdurusa at pagsubok.
Sa darating na Biyernes Santo, ika-18 ng Abril 2025, mula ika-12:00 ng tanghali hanggang ika-2:00 ng hapon, live mula sa Santo Domingo Church, Quezon City. Mapapanood din sa GMA 7 at mapapakinggan sa Radio Veritas 846: Ang Radyo ng Simbahan, katuwang ang iba pang media at social media partners.
Mapapanood din sa Facebook at YouTube pages ng Dominican Province of the Philippines at mga katuwang na social communication ministries. Ang Siete Palabras 2025 ay hatid sainyo ng Dominican Province of the Philippines, University of Santo Tomas at ng Santo Domingo Convent.
Gamitin ang ating hashtag, .
***************************
FOR CROSSPOSTING REQUEST:
https://bit.ly/SIETEPALABRAS2025CROSSPOST
________________________________
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, mag-email lamang sa [email protected].
Ama, turuan mo kaming manalangin at magtiwala sa Iyo, sa pamamagitan ni Hesus!