OLA Damage Control Assistance

OLA Damage Control Assistance Ang page na ito ay ginawa para sa mga biktima ng mga mapang abuso na Online Loan Application

GENTLE REMINDER SA LAHAT NG BIKTIMA NG GARAPAL AT TAPAL SYSTEM
16/04/2026

GENTLE REMINDER SA LAHAT NG BIKTIMA NG GARAPAL AT TAPAL SYSTEM

Sa lahat ng biktima ng mga Online Lending Apps (OLA)—huwag na huwag kayong magpapasindak sa kanilang pananakot, paninira, at panggigipit. Kahit pa milyon pa ang utang mo, wala silang tunay na habol sa’yo. Ang mga pananakot nila ay pawang palabas lamang para takutin ka—at pagkakitaan ang kahinaan mo.

Araw-araw, may mga kababayan tayong lumalapit sa amin, sugatan hindi lang sa bulsa kundi pati sa damdamin. May mga inutang na P100,000, pero kalahati roon interes lang—bunga ng mapang-abusong sistema ng OLA.

Isipin mo ‘yon: ang perang dapat sana'y para sa pagkain, gamot, at pangtustos sa araw-araw, nauubos sa pambabayad ng interes sa mga app na ni hindi mo kilala nang personal.

Ang mas masakit? Kahit ilang taon ka pang naging tapat na nagbabayad, isang pagkakamali lang—isang delay lang—bigla ka na lang ituturing na kriminal. Ipapahiya ka, pagbabantaan, tatawagan ang mga mahal mo sa buhay, at lalapastanganin ang pagkatao mo.

May mga salitang binibitawan na parang layunin talaga nilang wasakin ka.

At sa sobrang kahihiyan at depresyon, may ilan na lang na hindi nakakayanan. May mga tunay na kwento—mga magulang, manggagawa, estudyante—na piniling kitlin ang sariling buhay dahil sa pagmamalupit ng mga OLA.

At sa kabila ng lahat ng ito, tila bulag at p**i ang ating sistema. Ilang reklamo na ang naisampa, ilang ulit nang nabura ang mga app sa Playstore, pero bumabalik lang sila—parang walang nangyari.

Ganito kabulok ang sistema sa ating bansa. Parang walang batas para sa mahihirap. Parang lahat nabibili—kahit hustisya.

Kaya kung isa ka sa mga biktima na nagdadalawang-isip pa kung dapat mo pa bang bayaran ang mga ito kahit ilang ulit ka nang ipinahiya at pinahirapan—isipin mong mabuti. Gamitin mo ang utak mo.

Hindi ka kriminal. Biktima ka.

HANGGANG KAILAN KA MAGPAPALUNOD SA SISTEMANG NLIKHA PARA WASAKIN KA?

May mga kwento kaming hindi basta makakalimutan…Isang nanay, isang **single mom**, lumapit sa amin na halos wala nang pa...
01/04/2026

May mga kwento kaming hindi basta makakalimutan…

Isang nanay, isang **single mom**, lumapit sa amin na halos wala nang pag-asa. Araw-araw siyang tinatawagan, minumura, pinapahiya, at tinatakot ng mga online loan sharks. Hindi lang siya ang naapektuhan—pati ang anak niya na dapat sana’y tahimik lang na lumalaki.

Dumating siya sa punto na hindi na siya makatulog. Nanginginig sa bawat tunog ng cellphone. Takot na takot buksan ang social media dahil baka may panibagong kahihiyan na naman. 😔

At isang gabi… umabot siya sa sukdulan.
Naisip niyang tapusin na lang ang lahat—para matapos na rin ang sakit at takot.

Pero buti na lang… hindi doon natapos ang kwento niya.

Nakahanap siya ng lakas ng loob na humingi ng tulong. Nag-message siya sa amin.

Dahan-dahan, hakbang-hakbang, sinamahan namin siya. Tinuruan kung paano harapin ang harassment. Pinakita na may paraan. At higit sa lahat, ipinaramdam na **hindi siya nag-iisa**.

Ngayon?
Mas matatag na siya. Mas panatag na ang loob. Nakangiti na ulit—hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa anak niya. ❤️

At hindi lang siya…

May estudyante na muntik nang tumigil sa pag-aaral.
May empleyado na nawalan ng focus sa trabaho.
May tatay na halos hindi na umuwi sa bahay dahil sa hiya.

Iba-iba man ang kwento—iisa lang ang pinagdadaanan: **takot, stress, at panghihina ng loob.**

Pero iisa rin ang katotohanan:
**May solusyon. May pag-asa.**

Sa tulong ng aming gabay, instructions, at supportive na community at group chat, unti-unting nawawala ang problema. Hindi man agad-agad, pero sigurado—**may patutunguhan ka.**

Sa lahat ng mga biktima, tandaan mo ito:
**Hindi pa huli ang lahat.**
Oo, maaaring sobrang bigat na ng nararamdaman mo ngayon… pero hanggang kailan mo hahayaan na lamunin ka ng takot?

Hindi mo kailangang harapin ito mag-isa.

📩 *Mag-message ka lang sa page — kami na ang bahala sa peace of mind mo.*

Madami na kaming natulungan… at mas madami pa ang matutulungan namin.

At baka ikaw na ang susunod na magkukwento ng tagumpay mo. 💙

24/03/2026

Sa lahat po ng lubog na lubog na sa OLA, kung naiisip nyo magbayad sa laki ng interes maghunos dili kayo.

Wag kayo masyado magpadala sa takot dahil walang mangyayari sainyo kung takot ang pinairal nyo.

Sunod na sunod na OLA na yung nararaid, walang habol sainyo yan, basta pinahiya na kayo wala nang dahilan para bayaran nyo sila.

Magingat din sa mga nagoofer ng bura bura wala pong ganyan, wag nyo na dagdagan problema nyo.

PM LANG KAYO IF YOU NEED ASSISTANCE.

19/03/2026

Maghoholyweek nanaman. Paspasang panghaharrass nanaman yang mga agent na yan dahil need nila ng pera panggastos sa bakasyon.

Oras na pinahiya na kayo, wala na dahilan para makipagusap kayo sa kanila.

Deadmatology iapply nyo, wag na papaloko.

19/01/2026

Sa mga victims na nahihirapan magexplain sa friends and families nila, you can use this template. Edit nyo na lang base sa gusto nyong content. You can also use chatgpt para itranslate sa tagalog or kahit anu pa man yan.

19/01/2026

We offer free advise and assistance po.

And again hindi kami magsasawa na paalalahanan kayo na hindi po totoo ang mga nagooffer ng delete records sa OLA.

Wag nyo na po subukan, mas dadami lang problema nyo.

31/12/2025

2026 na, bagong taon, bagong buhay na sana.

Utang na loob, maawa kayo sa sarili nyo at sa pamilya nyo.

Kung hinarass, pinahiya at binaboy na pagkatao nyo wala nang rason para bayaran pa yang mga abusadong OLA.

May panahon pa.

Iba pa din ang feeling kapag alam mong hindi lang ikaw ang nakakaexperience ng mga panggigipit ng mga OLA.This the reaso...
26/12/2025

Iba pa din ang feeling kapag alam mong hindi lang ikaw ang nakakaexperience ng mga panggigipit ng mga OLA.

This the reason why we started a community so victims share each others experience pagdating sa OLA.

Tulong tulong din kami dito to report lahat ng dummy accounts na ginagamit ng mga agent to harass victims.

Kaya if isa ka sa mga victims na napadpad dito, wag ka masyado mastress, hindi ka nagiisa.

Hindi lahat ng naregistered sa SEC na mga lending companies is legal! Halos karamihan ng narevoke na license is register...
26/12/2025

Hindi lahat ng naregistered sa SEC na mga lending companies is legal! Halos karamihan ng narevoke na license is registered daw kuno pero puno ng violations. Wag kayo masyado magpapaniwala sa SEC Registered na napakalki ng interes. Basta 40% tubo matik illegal yan samahan mo pa ng 7 to 10 days na payment terms.

⚠️ 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗜𝗢𝗨𝗦𝗟𝗬 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗦𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗡𝗔𝗟𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗟𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗘𝗦

The public is reminded to exercise caution and verify the legitimacy of lending applications, platforms, and websites before engaging in any transactions.

To ensure that you are dealing only with authorized and recorded online lending platforms, scan the QR code or visit the link below for the complete list:
🔗 bit.ly/SEC-Recorded-OLPs

The SEC also wishes to inform the public that the previously imposed cease and desist orders, revocations, and/or suspensions against certain financing and lending companies have been lifted, modified, or reversed, and that the entities concerned now hold active registration and are legally authorized to operate, subject to continued compliance with existing laws and SEC rules.

📌 The Commission clarifies that this development does not affect the rights of borrowers nor prevent the filing and investigation of complaints for any violations, and reminds the public to remain vigilant and report unfair debt collection practices or other prohibited acts through the Financing and Lending Companies Department (FinLenD) or the SEC iMessage Portal.

Read the full Advisory here: https://www.sec.gov.ph/advisories-2025/advisory-on-previously-imposed-penalties-against-certain-financing-and-lending-companies/

26/12/2025

Sa lahat po ng patuloy na nahihirapan sa bigat ng mga bayarin sa OLA, gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi lang kayo ang may ganyang problema.

Libo libong mga Pilipino ang lubog sa ganyang sistema. Saksi ako mismo sa kahayupan na ginagawa nila sa mga kliyente nila at hinding hindi ko hahayaan na may buhay na masayang dahil lang sa stress at pasakit na dulot nila.

Magbabagong taon na, kung napadpad ka sa page na to at mabigat ang problema mo sa OLA, hindi pa huli ang lahat.

Pm nyo lang tong page na to kung ready ka ng kumawala sa mga OLA.

12/12/2025

Sa lahat po ng mga victims ng OLA na patuloy na nalulubog at stress na stress na sa kakabayad, may solusyo po jan sa problema nyo.

Wag nyo isipin na katapusan na ng mundo, maraming paraan para makatakas sa mga galamay nila, ipm nyo lang tong page para mabigyan namen kayo ng solusyon.

Available po kami until 12 midnight tonight, pansamantala muna po kami magpapahinga to give way sa holiday season.

Naway magkaroon po kayo ng kapayapaan sa inyong mga isip at puso.

Magbabagong taon na, wag nyo hayaan na dumating nanaman ang bagong taon na baon pa din kyo sa utang.

21/11/2025

19k Followers and counting na po tayo!..

Once we reached 20k, magpapa raffle po tayo sa mga victims po na nasa GC na.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OLA Damage Control Assistance posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share