20/09/2026
Tuloy Ang Serbisyo, Tuloy Ang Pag - Abante.
π£ PAALALA: TAPOS NA PO ANG ONLINE APPLICATION PARA SA SENIOR HIGH SCHOOL EDUCATIONAL ASSISTANCE
Maraming salamat po sa lahat ng nag-apply. Naabot na po natin ang available slots kaya sarado na ang online application.
π© SA MGA NAKAPAG-APPLY:
Pakicheck po ang email address at mobile number na inyong inilagay sa online application. Magpapadala ang aming opisina ng message para sa schedule ng pagsusumite ng printed documentary requirements para sa verification.
π SA MGA HINDI PO UMABOT SA CUT-OFF:
Paumanhin po kung limitado lamang ang ating slots. Ang pondong ginagamit para sa educational assistance na ito ay mula sa inipong personal na sahod ni Cong. Benny Abante bilang Congressman mula July 2024 hanggang July 2026, kaya limitado rin po ang bilang ng mga estudyanteng maaari nating matulungan sa ngayon.
Pero hindi po dito nagtatapos ang programa.
Patuloy na inilalaan at iniipon ni Cong. Benny Abante ang kanyang sahod para maipagpatuloy ang tulong sa edukasyon ng ating mga anak sa Distrito Sais. Kapag may susunod na batch o educational assistance program, agad po natin itong iaanunsyo sa page.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pagtitiwala. ππ
Tuloy ang Serbisyo. Tuloy ang Pag-ABANTE!