Building Youth Empowerment

Building Youth Empowerment Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Building Youth Empowerment, Nonprofit Organization, BYE Tondo Inc, Manila.

National Youth Commission YORP: YS-12436-102825
Regional Organization (National Capital Region)

Manila City Council Res.414 s2025 Accreditation

Manila Youth Development Council
Chairperson of Committee on Health

SEC Reg No. 2024060156379-01

Nagsagawa ng Community Mapping sa Barangay 70 at 71 bilang paghahanda para sa darating na Brigada Eskwela at pagpapalawa...
20/05/2026

Nagsagawa ng Community Mapping sa Barangay 70 at 71 bilang paghahanda para sa darating na Brigada Eskwela at pagpapalawak ng impormasyon tungkol sa ALS Enrolment ng Magat Salamat Elem School - ALS at Manuel L. Quezon Elem School - ALS.

Maraming salamat kina Brgy. 71 Chairperson Neil Coronel at Brgy. 70 Chairperson Aga Simbulan sa mainit na pagtanggap at patuloy na suporta para sa edukasyon at kabataan.

Salamat sa Office of Councilor Carlos Castaneda sa  pakikinig sa kwento ng Building Youth Empowerment.Malaki po ang amin...
20/05/2026

Salamat sa Office of Councilor Carlos Castaneda sa pakikinig sa kwento ng Building Youth Empowerment.

Malaki po ang aming pasasalamat sa inyong oras at suporta sa mga programa at adbokasiyang malapit sa puso ng aming komunidad. Lubos po naming ikinagagalak na naibahagi sa inyo ang ilan sa aming mga isinusulong na programa, mula sa ALS, HIV Awareness, OSAEC prevention, at iba pang mga adbokasiyang naglalayong magbigay ng pag-asa, kaalaman, at oportunidad sa kabataan at komunidad.

Kami rin po ay nagagalak na mapabilang sa Final List para sa Gawad Manileño sa Larangan ng Sosyo-Sibikong Gawain. Isang malaking karangalan para sa Building Youth Empowerment ang makilala at mapabilang sa hanay ng mga organisasyon at indibidwal na nagsusulong ng makabuluhang serbisyo para sa komunidad ng Maynila.

Maraming salamat kay Konsehal Caloy Castañeda sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga adbokasiyang para sa kabataan at komunidad.

Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang Day 1 ng Livelihood Skills Training para sa ating ALS Learners! 💙✨Natutunan ...
20/05/2026

Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang Day 1 ng Livelihood Skills Training para sa ating ALS Learners! 💙✨

Natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng:
✓ Dishwashing Paste
✓ Dishwashing Liquid
✓ Perfume
✓ Bar Soap

Dumalo ang mga learners mula sa:
📍 Manuel L. Quezon Elementary School - ALS CLC
📍 T. Paez Integrated School JHS - ALS CLC
📍 Magat Salamat Elementary School - ALS CLC
📍 Building Youth Empowerment CLC

Kasama ang mga ALS Teacher sa patuloy na pagsusulong ng skills development at youth empowerment para sa kabataan. 🌟

3-day Skills Training for ALS Learner Community Learning Centers:•T.Paez Integrated School - JHS ALS•Magat Salamat Elem ...
19/05/2026

3-day Skills Training for ALS Learner

Community Learning Centers:
•T.Paez Integrated School - JHS ALS
•Magat Salamat Elem School - ALS
•Manuel L. Quezon Elem Schiol - ALS
•Building Youth Empowerment

May 20-22, 2026
8am - 12nn
SDEC Manila Bldg, Vitas Skatepark Tondo, Manila

Wednesday May 20, 2026
✓Dishwashing liquid
✓Bar soap
✓Perfume Making

Thursday, May 21, 2026
✓Chicken Pastil
✓Chili Garlic Oil
✓Bagoong Alamang Making

Friday, May 22, 2026
✓Siomai
✓Embutido,
✓Tocino Making

Instructors:
Ms. Mary Jay Barredo & Ms. Marilyn Garcia

Congratulations! 🫡🫡🫡
18/05/2026

Congratulations! 🫡🫡🫡

OUT-OF-SCHOOL CHILDREN, YOUTH & ADULT MAPPINGBrgy. 70 & Brgy. 71 | Zone 6 District 1May 19, 20269:00AM - Brgy 7110AM - B...
18/05/2026

OUT-OF-SCHOOL CHILDREN, YOUTH & ADULT MAPPING
Brgy. 70 & Brgy. 71 | Zone 6 District 1

May 19, 2026
9:00AM - Brgy 71
10AM - Brgy 70

Sama-sama nating tukuyin at maabot ang mga out-of-school children, youth, at adults upang mabigyan sila ng oportunidad sa edukasyon at mas magandang kinabukasan. 📚✨

Sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, SK leaders, at mga paaralan, patuloy nating pinalalakas ang community-based education at youth empowerment sa Tondo, Manila.

🤝 In Coordination With:
• Brgy 71 Chairperson Neil Coronel
• Brgy 71 SK Chairperson Angelo Stephen Belen
• Brgy 70 Chairperson Aga Simbulan
• Brgy 70 SK Chairperson Godwin Songco

Alternative Learning System (CLC)
• T. Paez Integrated School – JHS
• Magat Salamat Elementary School
• Manuel L. Quezon Elementary School
• Building Youth Empowerment

17/05/2026

Speak when you’re ready.

Ngayong International Day Against Homophobia, Biphobia, Interphobia, and Transphobia, muli nating pinapaalala na ang baw...
17/05/2026

Ngayong International Day Against Homophobia, Biphobia, Interphobia, and Transphobia, muli nating pinapaalala na ang bawat isa ay may karapatang mabuhay nang ligtas, malaya, at may dignidad.

Ang diskriminasyon, panghuhusga, at karahasan ay walang puwang sa ating komunidad. Sa halip, piliin nating umunawa, makinig, at maging kakampi ng bawat isa, anumang kasarian, identidad, o ekspresyon.

Ang pagkakaiba-iba ay hindi kahinaan. Ito ang ating lakas bilang kabataan at bilang lipunan.

Patuloy tayong lumikha ng ligtas na espasyo para sa lahat. ✨






Happy Birthday, Kyst!
17/05/2026

Happy Birthday, Kyst!

17/05/2026

Bilang isang Youth Serving Organization, malaki ang tiwala namin sa kakayahan ng Sangguniang Kabataan kung may maayos na sistema, sapat na suporta, at tamang paggabay mula sa pamahalaan at komunidad.

Hindi man perpekto ang Sangguniang Kabataan, nananatili itong mahalagang espasyo upang mapanatili at mapalakas ang youth participation in local governance. Maaaring may ilang nailuklok na hindi naging maayos ang pamamahala, ngunit hindi nito dapat matabunan ang maraming kabataang lider na tunay na mahusay, responsable, at may malasakit sa kanilang nasasakupan.

Marami nang napatunayan ang mga lider-kabataan sa larangan ng edukasyon, kalusugan, environmental protection, disaster response, sports development, at mental health awareness. Sa kabila ng kakulangan sa resources at ibat ibang hamon, mayroong patuloy na gumagawa ng paraan para maihatid ang serbisyo para sa kapwa kabataan.

Naniniwala kami na hindi solusyon ang tuluyang pag-alis sa Sangguniang Kabataan, kundi ang patuloy na pagreporma rito. Kailangang mas palakasin ang transparency, accountability, leadership training, at youth-centered programs upang mas maging epektibo ang kanilang pamamahala. Mahalaga rin ang mentorship mula sa mga nakatatanda at aktibong partisipasyon ng komunidad upang masigurong nagagamit nang tama ang pondo at kapangyarihan ng Sangguniang Kabataan.

Kabataan, pumili ng maayos, tapat at maasahang Sangguniang Kabataan!

Address

BYE Tondo Inc
Manila
1012

Telephone

+639773551187

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Building Youth Empowerment posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Building Youth Empowerment:

Share