08/06/2023
๐ช๐๐ฆ๐ง๐-๐ง๐ข-๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ข ๐ช๐๐ฆ๐ง๐ ๐ข๐ ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฌ?
Kilala ang Waste-to-Energy (WtE) bilang biological conversion o pagproseso ng biomass (kahoy, organic waste, food waste, agricultural waste, dumi ng hayop) upang maging fertilizer, compost, at/o biogas (methane).
Sa kabila nito, inilabas ng DENR ang Administrative Order (DAO) 2019-21 kung saan pinahihintulutan ang teknolohiyang thermal conversion (plastic-to-fuel/plastic-to-energy) o pagsusunog ng plastik na basura (incineration, gasification, at pyrolysis).
Sinasabi di umano na ang WtE o "ang pagsunog ng basura ay magpapawala sa ating mga problema sa basura". Ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay masama para sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.
Sa Dagupan City, planong magpatayo ng isang WtE o tinatawag na Waste-to-Worth (W2W) facility. Proyekto ito ng SURE Global Waste-to-Worth Innovations PTE, Ltd (SGW) na pinopondohan at sinusuportahan ng Asian Development Bank, at ng Dow Chemical Philippines at Procter & Gamble, dalawang korporasyong may pinakamalalang kontribusyon sa basura sa plastic at carbon emissions sa buong daigdig.
Sa higit pang paglala ng epekto ng pagbabago ng klima, kinukunsinte pa mismo ng WtE ang ekstraksyon ng krudo at patuloy na produksyon ng plastik, sa halip na gumawa ng hakbangin para sa konserbasyon ng ating limitadong likas-yaman. Nakasasama rin ito sa ekonomya dahil sa napakamahal na kapital upang makapagtayo at magpatakbo ng WtE, kumpara sa trabahong nalilikha mula sa pagreresiklo at composting. At dahil din sa mapanganib na mga materyal at polusyon mula sa WtE at landfill, makasasama pa ito sa kalusugan ng komunidad at ng publiko.
Kaya hinihikayat namin ang ating mga kabaleyan, kailian, at kababalyan para tutulan ang mga proyektong WtE at pigilan maging "WtE hotspot" ang probinsya ng Pangasinan!
๐-๐ฑ๐ผ๐๐ป๐น๐ผ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ต๐น๐ฒ๐: https://bit.ly/W2WDagupan
๐ฆ๐๐บ๐ฎ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฃ๐ฆ๐: https://tinyurl.com/PPSESign