09/05/2026
Napapansin nyo ba na ang binibili natin sa pang araw-araw ay kumokonti sa paglipas ng panahon? Napapansin nyo rin ba yung kalidad at dami ng produkto ay lumiliit pero ang presyo ng mga bilihin ay tumataas?
Yan ay ang epekto ng "inflation" Ano nga ba ito?
Sa madaling salita, ang "inflation" ay isang economic phenomenon na kung saan ang presyo ng mga bilihin ay tumataas kaya nagiging paunti ang nabibili ng ating pera sa parehong halaga. Nababawasan nito ang kakayahan ng mga tao na makabili ng mga pangangailangan dahil nababawasan ang halaga ng ating perang kinikita habang patuloy na tumataas ang mga bilihin.
Sa kasalukuyan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Statistics Authority, Ang inflation rate ay nasa 7.2% noong April 2026, mula sa 7.1% noong March 2026 dulot ng mga sigalot sa Ukraine, Venezuela, at Iran na nagpapataas ng presyo ng imported na langis. Ngunit hindi lamang ito ang dahilan ng inflation, nakakaimpluwensya ito ang mga batas at polisiya ng gobyerno patungkol sa ekonomiya, ang pagtaas ng demand ng mga bilihin, pagtaas ng production costs, at pagtaas ng populasyon ng bansa.
Kumbaga, nagkakaroon ng "Domino Effect" kapag tumataas ang mga raw materials katulad ng langis, tumataas rin ang gastusin sa enerhiya, produksyon, transportasyon, at storage; ang pagtaas ng production costs ay ipinapasa sa mga mamimili.
Bilang indibidwal, paano tayo maibsan ang epekto ng inflation at patuloy na pagtaas ng bilihin?
1. Maging responsable sa pag-hawak ng pera.
Hindi lamang pag-impok ang paraan upang maipalago ang ating perang kinikita, maari nating itabi ang ating pera sa mga "High-Yield Savings Accounts (HYSA) upang mas malaki ang tubo ng ating perang naitatabi kung ikukumpara sa mga tradisyonal na bangko.
2. Mag-invest na naayon sa kakayahan.
Maari nating ipasok ang ating pera sa mga investment funds, pero manaliksik at suriin ang ating kakayahan na mag-invest dahil may kaakibat na risk na maaring bumaba ang halaga ng ating investments. Ang iba't-ibang investment funds na nasa market ngayon ay may kanya-kanyang mga pakinabang at risk.
3. Maging masinop sa pag-gastos ng pera.
Siguruhing bigyang prayoridad ang paggastos ng ating kinikitang pera ay napupunta sa makabuluhan katulad ng ating mga pangangailangan. Iwasan muna ang pag-gastos kung hindi kinakailangan o dahil sa ating nais. Mag-isip kung kaya ba nating mabuhay kung hindi nating bibilin ang bagay na ito.
4. Take advantage of Government Programs, Subsidies, and Schemes
May mga programa na hatid ang gobyerno upang maibsan ang epektong dala ng inflation, manaliksik at lumapit upang malaman kung qualified ka sa mga programang ito.
Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Statistics Authority, Investopedia, ASEAN+3 Macroeconomic Office, International Monetary Fund