21/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa patuloy na hangarin ni Gob. Ed na ganadong maghatid ng serbisyo sa ating mga kababayan sa gitna ng nakaraang hagupit ng habagat ay ang patuloy na pagtugon sa ibaโt -ibang pangangailangan ng ating lalawigan. Hindi tumitigil ang ating Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaabot ng tulong at pakikiramay sa ating mga kababayan sa oras ng kanilang pagdadalamhati.
Isang matagumpay na Cadaver Transport Service ang mabilis na naisagawa mula sa San Jose, Occidental Mindoro patungo sa Lungsod ng Cebu. Sa kabila ng napakahabang biyahe sa kalsada at maging sa dagat, naihatid nang maayos at ligtas ang labi ng ating kababayan sa kanyang huling hantungan upang makasama ang kanyang mga naulilang mahal sa buhay.
Ang tagumpay ito ay bunga ng dedikasyon ng ating mga masisipag at dedikadong tagapagmaneho. Isa sila sa mga bayani na handang magsakripisyo sa gitna ng puyat at pagod sa mahabang pagmamaneho. Bitbit nila ang pananagutang maihatid nang may dignidad at paggalang ang labi ng ating kababayan.
Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa ating mga driver at responders! Ang inyong tapat na paglilingkod ang tunay na haligi ng ating pampublikong serbisyo.
SERBISYONG GANADO! GANADO NA, MAS GAGANAHAN PA!
Video Credits: Ernani Rada Salibio