Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation

Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation Offering Scholarship grants since year 2020. Offering educational and medical assistance.

Pagmamahal na tunay ang handog ng Mula Sa Puso ni Ate Carla Foundation: dialysis assistance at Christmas gift para sa at...
03/12/2025

Pagmamahal na tunay ang handog ng Mula Sa Puso ni Ate Carla Foundation: dialysis assistance at Christmas gift para sa ating minamahal na pasyente.♥️



Ngayong araw, isang munting handog mula sa Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation ang naipagkaloob sa Barangay Luta Sur El...
28/07/2025

Ngayong araw, isang munting handog mula sa Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation ang naipagkaloob sa Barangay Luta Sur Elementary School: isang 43” LED TV at isang 2.5HP Airconditioning Unit na maaaring magamit ng ating mga g**o at magulang sa kanilang mga pagpupulong at pag-uusap para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

Nag-abot din po ang foundation ng kaunting tulong-medikal sa anyo ng mga gamot para sa mga residente ng Barangay San Juan, bilang pakikiisa sa hangaring mapanatili ang kalusugan ng bawat isa.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng g**o, magulang, kawani, at opisyal ng barangay sa mainit ninyong pagtanggap at pakikiisa. Napakalaking bagay po ang inyong suporta sa mga adhikain ng foundation.

Naniniwala po kami na ang edukasyon at kalusugan ay mahalagang pundasyon hindi lamang para sa ngayon, kundi para rin sa kinabukasan ng bawat Malvareño.

Maraming salamat po, at nawa’y magpatuloy tayong magtulungan — mula sa puso, para sa bawat isa. 💕




☺️✏️📚📖📓🎒Isang makabuluhang araw ang naganap sa Barangay San Pedro 2, Malvar Senior High School at Barangay Luta Sur Elem...
19/06/2025

☺️✏️📚📖📓🎒
Isang makabuluhang araw ang naganap sa Barangay San Pedro 2, Malvar Senior High School at Barangay Luta Sur Elementary School kung saan namahagi ang “Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation” ng mga bag at school supplies sa mga mag-aaral ng Grade 1.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyang suporta ang mga batang nagsisimula pa lamang sa kanilang paglalakbay sa edukasyon upang masig**o na matatapos nila ang kanilang pag-aaral.

Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng mga magulang, g**o, at higit sa lahat ng mga bata na nakatanggap ng kumpletong gamit sa paaralan. Ang bawat bag ay puno ng mga gamit tulad ng lapis,pad papers, notebooks, krayola, gunting, tumbler, at school bag.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng “Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation” na maghatid ng inspirasyon at konkretong tulong sa mga batang nangangailangan, lalo na sa larangan ng edukasyon. Naniniwala ang foundation na sa pagbibigay ng simpleng suporta gaya ng school supplies, nabibigyan ng pag-asa ang mga bata na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

Mula sa puso, para sa kinabukasan — ito ang mensaheng nais iparating ni Ate Carla sa bawat batang natulungan ng kanyang foundation.


On May 29, 2025, the Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation reaffirmed its unwavering commitment to supporting dialysis pa...
29/05/2025

On May 29, 2025, the Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation reaffirmed its unwavering commitment to supporting dialysis patients by distributing another tranche of financial assistance. This initiative aims to alleviate the financial burdens faced by individuals undergoing regular dialysis treatments.

This latest distribution underscores the foundation’s ongoing dedication to providing timely and compassionate support to those in need. By addressing the financial challenges of dialysis patients, the Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation continues to make a tangible difference in the lives of many, embodying the essence of compassionate care.

Isang hakbang tungo sa mas makabagong edukasyon!Masaya naming ibinabahagi na ang Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation ay...
22/05/2025

Isang hakbang tungo sa mas makabagong edukasyon!

Masaya naming ibinabahagi na ang Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation ay nag-donate ng Two Horsepower na Air Conditioning Unit para sa San Isidro National High School Library!

Ang silid-aralan na ito ay gagawing isang Electronic Learning Library – isang lugar kung saan ang mga estudyante ay maaaring mag-aral nang mas komportable, mas tahimik, at mas produktibo gamit ang makabagong kagamitan sa teknolohiya. Sa isang maayos at malamig na kapaligiran, mas magiging epektibo ang kanilang pagkatuto, lalo na sa mga research at digital learning activities.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng g**o at school administrators na naging daan upang maisakatuparan ang proyektong ito. Saludo kami sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa inyong mga estudyante.

Ang proyektong ito ay taos-pusong alay ng Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation, para sa patuloy na paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan ng San Isidro.




Patuloy na Tulong para sa mga Dialysis Patients♥️Sa layuning maibsan ang pasanin ng ating mga kababayang dumaranas ng sa...
18/03/2025

Patuloy na Tulong para sa mga Dialysis Patients♥️

Sa layuning maibsan ang pasanin ng ating mga kababayang dumaranas ng sakit sa bato, ang Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation ay patuloy na nagbibigay ng regular na financial dialysis assistance para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Bilang dagdag na suporta sa kanilang kalusugan, nag-aalok din kami ng libreng Hepa B vaccine upang maprotektahan sila laban sa impeksyon at iba pang komplikasyon.

Ang aming hangarin ay makatulong at makapagbigay ng pag-asa sa mga pasyente at kanilang pamilya. Para sa mga nais mag-apply o may kakilala na nangangailangan ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa aming foundation. Sama-sama nating ipagpatuloy ang malasakit at pagtulong mula sa puso!



Bilang bahagi ng aming layunin na makatulong sa komunidad, ang Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation at Soroptimist Inter...
16/03/2025

Bilang bahagi ng aming layunin na makatulong sa komunidad, ang Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation at Soroptimist International of Malvar ay nagkaloob ng isang electric vehicle sa Barangay San Gregorio, Malvar Batangas. Ang sasakyang ito ay libreng magagamit ng mga estudyante at barangay functionaries upang makatipid sa pamasahe papunta sa paaralan at iba pang mahahalagang gawain sa barangay.

Bukod sa pagbibigay ng mas murang transportasyon para sa mga mag-aaral, ang proyektong ito ay makakatulong din sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas sa polusyon dulot ng tradisyunal na sasakyan.

Patuloy kaming magsisikap na maghatid ng makabuluhang pagbabago sa ating komunidad. Sama-sama nating isulong ang kaunlaran at isang mas malinis na kapaligiran para sa susunod na henerasyon!

Address

Malvar

Telephone

+639153720888

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mula sa Puso ni Ate Carla Foundation:

Share